Chapter 7 (Saviour)

Start from the beginning
                                    

"Anak ng police ang hinamak niyong saktan. Maghanda kayo sa pagdating niya." Pananakot na wika ni Sir Espiritu sa mga lalaki pagkadating namin sa Police station. Kilala na ako ng mga police dito, dahil na din sa madalas akong magpunta dito sa Headquarters para humingi ng baon kay Papa. Atsaka talagang makikilala nila ako dahil iisa lang akong anak ni papa.

"Baka hindi na kayo makalabas dito ng buhay at pagbabarilin na niya kayo. IIsa pa namang anak niya si Kazrine." Dagdag pa ni Ma'am Marquez na madalas ko ring makausap kapag dumadalaw ako kay Papa.

Tahimik lang akong nakaupo sa katapat na upuan ng limang lalaki na masamang makatingin sa akin lalo na 'yung lalaki na inispray-an ko kanina. Naluluha-luha siya at pulang-pula ang kanyang mga mata. Nararapat lang sa'yo 'yan.

Pagkarating ni Papa ay agad niya akong niyakap at kinamusta. At nakita ko si Sir Espiritu na naggesture sa mga lalaki na 'lagot kayo' with matching wide eyes.

"May masakit ba sa'yo? Anong ginawa sa'yo ng mga hayop na lalaking 'to. Balak niyo pang kunin sakin ang nag-iisang anak ko." Magkadikit ang mga palad ni papa at nangagalaiti siya sa galit sa kanila. At alam kong pigil na pigil siyang saktan sila.

"Sorry po. Hindi po namin alam na anak mo siya." Nagmamakaawang wika nung lalaking humawak sa aking braso kanina.

"At kailangan niyo pang malaman kung anak siya ng pulis para hindi niyo siya saktan?" sigaw ni papa

"Sorry po." Sabi nila ulit at sinipa ni Papa ang bangko sa kanilang harapan na kanilang ikinagulat.

"Alisin niyo sa harapan ko ang mga lalaking 'yan.." utos ni Papa atsaka inilipat sila sa kulungan. Pansamantala lang silang makukulong dahil hindi naman ganoon kasama ang tinamo ko sa kamay nila.

Inihatid na ako ni Papa pauwi dahil sabi niya ay nag-aalala na daw ng sobra sa mama at pagkadating naming sa bahay agad niya akong niyakap at katulad ni papa, nagalit din siya sa mga lalaking na iyon.

"Okay lang po ako, ma. Wala naman pong masamang nangyari sa akin kaya wag po kayong mag-alala." Sabi ko

"Madalas ka ng nalalapit sa mga karahasan, kazrine. Sa susunod, maghahire na ako ng bodyguard para mabantayan ka."

"Ma, wag na po. Matanda na ako kaya kaya ko na ang aking sarili."

"Magpaalam ka sa akin kung saan ka man pupunta para ipapasundo kita. Delikado ang maglakad mag-isa paggabi lalo na't iisa ka at babae ka pa. Hindi ko naman iniisip pero ayaw kong mawalan ng anak. Kaya mag-ingat ka naman, para sa sarili mo at para na rin sa amin ng papa mo."

"Opo, ma." Sagot ko atsaka hinalikan niya ako sa noo. Si papa ay bumalik na muli sa police station at ako nama'y nagpunta na sa aking kwarto para magpahinga.

Wala ako masyadong ginawa ngayong araw na ito pero ramdam ko ang pagod. Siguro nga, kapag mentally ang napapagod sa'yo, nadadamay na pati ang physical. And right now, nakatingin lang ako sa ceiling habang naaalala ang nangyari kanina.

Bakit Jake ang tinawag ko kanina na dapat police number ang tinawagan ko? Huminga ako ng malalim until my eyes get tired and fall asleep.

Maaga akong nagising dahil ako ang magbubukas ng coffee shop ngayon dahil kagabi nga ay sa akin ni Darren ibinigay ang susi. Five-thirty ng umaga palang ay gising na ako. Nagpaalam naman ako kay mama at papa na sa coffee shop lang ako magtatahan, maghapon.

At dinrive ko ang sasakyan naming papunta sa coffee shop. Balak ko pa nga sanang maglakad nalang para makapag exercise man lang ako pero baka maghintay sina Darren doon kaya para magbilis ay nagkotse nalang ako.

Ipinark ko na ang sasakyan at pagkatapos ay iniabot na kay Darren ang susi at agang-aga ay naghahalikan na agad ang dalawang lovers. Minsan nga, habang pinagmamasadan ko ang dalawang 'yan, I'm wondering what could be the taste of someone's saliva. I mean the taste of kiss. At minsan, napapalunok nalang ako ng laway dahil sa kanilang dalawa.

Binuksan na niya ang pintuan ng coffee shop at tumulong na din ako sa kanila sa pagpapolish ng sahig at paglilinis ng bintana at pag-arrange ng mga bangko. At bandang alasyete ay nagsimula ng magdatingan ang mga costumer. Ako na ang naglilista ng mga order nila at ibinibigay kay Darren.

"Black coffee and a half slice of cheese cake. Take out." Isinulat ko na ang sinabi ng next costumer at ibinigay kay Darren.

At nang mapatingin ako sa nagmamay-ari ng pamilyar na boses na iyon, ay natigil ako sa aking pagsasalita. Nakatitig lang siya sakin. Hindi nagsasalita as in nakatitig lang talaga siya sa akin.

A Few minutes after staring at each other..

"Naiinip na 'yung next na oorder." Natauhan ako sa ibinulong sa akin ni Darren.

"Sir, hintayin mo nalang po ang order mo sa..counter at..doon kana lang din po..mag-bayad." Sabi ko at sinunod naman niya ang sinabi ko.

Isinulat ko na muli ang order nung sunod na costumer at hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kanya dahil nakatitig siya sakin. Alam niyo 'yun, ito 'yung feeling na nararamdaman ko kapag nandito siya. I mean, hindi ko maipaliwanag pero iba 'yung feeling ng titig niya.

At nang dumating na 'yung order niya, at pagkatapos niyang magbayad ay tumingin pang muli siya sakin atsaka lumabas ng coffee shop. He doesn't even know what I've been through last night just because I wanted to get what he wrote in my hand, and he will just go like, nothing? I mean, not even talking to me?

-----

Just A KissWhere stories live. Discover now