STBE - Fourty Three

Start from the beginning
                                    

“Huh! Sino ka para utusan ako ha?!”

“Hindi ko naman gustong utusan ka eh. Ikaw mismo.”

“At bakit naman ako ha?!”

“Kung pumayag ka lang na maging ka-date ko, hindi sana kita inuutusan ngayon.”

“Tch! eh tapos naman na ata yang bulok na PARTY na pupuntahan mo.”

“Hindi. mamaya yun.” mamaya pa?

“Ah basta! NO… WAY…”

“Ok. maglinis ka na. kapag hindi mo yan ginawa, hindi ako magdadalawang-isip na palinisin sa’yo ang backyard lalo na ang pool.” HAAAA!!! jusko. doble kalbaryo pala. aish! may magagawa pa ba ako? mas gugustuhin ko na lang maglinis ng buong bahay kesa sa labas. 

“Fine!” inirapan ko sya.

hinanap ko ang dustpan, walis-tambo, vacuum, mop, at mga basahan sa storage room. naglagay rin ako ng tubig sa balde na may sabon. binabad ko ang mop dun. naghanap rin ako ng spray para pampunas sa glass walls. 

at ngayon, handa na ako. GAME!

nakagloves akong naglinis ng CR (ground floor). nilinis ko yung sink at inidoro gamit ang brush na mahaba. wala naman kasing tub. kuskus dito, kuskus doon. masakit sa balakang, alam nyo ba yun? tsk. naglampaso rin ako. pinunasan ang bathroom mirror at ang bathroom cabinet na nilalagyan ng handwash soap, nilinis ko rin yun.

sunod, sa kitchen naman ako. sinisilip ko ng tingin tong si James sa may living room, carefree na carefree ang mokong na kumakain ng popcorn at ng chippy. syempre, nakataas ang dalawang paa. >.<

pinunasan ko ang mga counters. nilinis ang sink. at ang mga kitchen utensils na nakasabit sa dingding, inayos ko rin. kasama na ang mga pinggan at baso. nilinis ko ang stove. tinanggal ko ang mga parte na madudumi. saka ko binabad sa tubig na may sabon. tapos naglampaso ako sa kitchen at dining room. nagpunas-punas ng dining table. punas rin sa may plate and glasses cabinet. tinapos ko na ang stove. binalik ko na ang mga maduduming parte.

umupo ako saglit. nagpunas ako ng pawis ko. wah! pagod na talaga ako. ang sakit-sakit na ng balakang at balikat ko. huhuhu. hindi pa ako nangangalahati. may dalawa pa akong malaking living room na lilinisin. sa baba at taas. ay, hindi! pati rin pala ang hagdan. at saka ang mga glass walls. huhuhuhu. kung bakit pa kasi glass ang wall ang bahay na toh!! :’(

“Sinabi ko ba sa’yong magpahinga ka?” ang sungit. tinaasan pa ako ng kilay. O_o

“Jusko!”-pinapaypayan ko ang mukha ko ng kamay-“wala man lang akong… BREAK?!”

“Wala. pag di ka pa gumalaw dyan ng limang segundo, linisin mo na ang pool.” nagpanic ako sa sinabi nya. kaya naman bago pa sya magbilang, tumayo na ako. papadyak-padyak kong kinuha ang mop sa balde, walis-tambo at vacuum. argh. nakakaasar! bwiset talaga! >.<

“Maglilinis ako dito. Kaya umalis ka na.” sabi ko sa kanya na tinutukoy ang living room.

“Eh di maglinis ka dyan. nakita mong kumakain ang tao dito.” sagot nyang nagsubo ng popcorn habang nagbabasa ng libro naman ngayon. pumaywang akong tumingin sa  malayo. 

“Bakit? pwede ka naman siguro kumain sa dining room o kaya naman sa labas!”

“Oh, baka nakakalimutan mo.”-nakatingin na sya sa akin-“ako ang amo mo ngayon, at ikaw ang katulong ko.” uhh, ok? binabara nya ako. aishhhhh!! oo na! may araw ka rin sa akin, James. wala na akong naisagot pa. sige lang. PATIENCE is the key to SUCCESS.

nagwalis muna ako sa tiled-part ng living room. inalis ko ang mga dumi sa may three-stepped stairs. may tatlong hagdan kasi tong living room na pababa. then, sa may carpeted part naman ako kung saan dun nakapwesto ang mga sofa’t center table. sinaksak ko ang vacuum sa may malapit na outlet. at nagvacuum na. inuna ko yung sa likod ng sofa na inuupuan ni James. hanggang sa paikot akong nagvacuum. 

Soon To Be Engaged [ON-HOLD]Where stories live. Discover now