Naglakad kami papunta sa altar at naghiwalay din kami ng uupo na kami sa aming mga upuan. I sigh. Pinag masdan at inaliw ko nalang ang aking sarili sa mga naglalakad na mga ninang at ninong sa kasal! Hanggang sa dumating na ang bride. Ang ganda niya sa suot niyang puting mahabang gown. Bumagay sakanya! Sumulyap ako sa groom. He's in the verge of crying. I'm sure masayang-masaya siya dahil sa wakas, ikakasal na siya sa taong mahal niya. Nahanap niya na ang kanyang forever!

Nakangiti ako habang pinapanuod ko ang bride na mag isang naglalakad papunta sakanyang lalaking minamahal. Hindi ko mapigilan ang hindi mapa-iyak! Mabuti pa siya, mahal siya ng lalaking mahal niya. Samantalang ako, hindi! Ikakasal na sila. Ako kaya? May lalaki din kaya na mag mamahal sakin? May lalaki kayang handa akong mahalin? Pero hindi ko yata matatanggap ang ibang lalaki sa buhay ko, tanging si Eion lang ang kailangan ng sistema ko. Tanging siya lang.

Habang pinupunasan ko ang luha sa mga mata ko, hindi ko inaasahan na mapatingin sa mga mata ni Eion na nakatuon sakin. Nakatitig siya sakin. Kanina pa kaya siya nakatingin sakin? Pinag mamasdan niya kaya ako? Tipid ko siyang nginitian at itinuon ko na ang pansin ko sa harapan. Simula noon, hindi ko na siya binalingan pa ng tingin. Hanggang sa matapos ang kasal, lahat sila ay nagkakasiyahan sa reception! Nakikisali din si Daddy at ang kapatid ko sa kasiyahan. Si Kuya Silver naman ay ang kumukuha ng mga pictures at videos. Ewan ko pero parang hindi ko makuha ang magsaya man lang. Ni hindi ko kayang ngumiti kahit pilit. Hindi ko kayang mag panggap na masaya ako. Hindi ko kaya, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako masaya! Nasasaktan ako ng sobra! Kung sana, ako nalang.

Tumayo ako at batid ko na walang nakapansin sakin. Hindi naman nila ako kilala kaya wala silang pakialam sakin kung umalis man ako dito sa reception ng kasal. Nakapag desisyon na ako! Babalik na ako ng Cagayan De Oro, siguro itetext ko nalang sila Daddy at Kuya Sky kapag nasa Airport na ako. Hindi ko na kaya pang magstay dito ng isang buong araw. Hindi ko na yata kakayanin. I'm sure maiintindihan naman nila ako. Kapag nakauwi na sila Dad, doon ko nalang tatanggapin lahat ng mga sermon nila. Sa ngayon, ang gusto ko nalang ay ang maka-alis sa masikip na lugar na ito para sakin. Dumaretcho ako ng kwarto namin at inimpake ko lahat ng mga gamit ko. Nagpalit din ako ng fitted denim jeans at isang spaghetti strap at nag jacket ako. Nagsuot narin ako ng sneakers! I sigh. Lumabas na ako ng kwarto bitbit ang hindi kalakihan kong maleta at isang bag pack. Ngayon gabi na ako aalis! May ticket naman siguro ngayong available sa Airport ngayon pa CDO.

"Saan ka pupunta?"

Napahinto ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Eion sa hagdanan. Kunot noo siyang nakatingin sakin at sa maletang hawak ko.

I sigh. "I'm going home."

Tumikhim siya. "Nang hindi nagpapaalam sa Daddy at kapatid mo? Hinahanap ka nila ngayon, pinahanap ka nila sakin."

"Sana hindi mo sinunod kung hindi ka naman masaya sa ginawa mo! Now, will you please excuse me? Uuwi na ako." Inirapan ko siya at binitbit ko na pababa ang maletang dala ko.

Narinig ko ang marahas niyang pag singhap at sapilitang kinuha mula sa kamay ko ang maleta.

"God, Ice! Please? Don't be too stubborn? Bakit ka uuwi? Dahil sa nangyari kagabi?" Iritado niyang saad. Napapikit siya at iniligay sa gilid niya ang maleta ko. "Ice naman, kahit naman sinabi ko ang lahat ng 'yon. Magkaibigan parin tayo, nag aalala parin ako sayo. Mahalaga ka sakin!"

I smiled sarcastically. "Manhid mo talaga, no? Wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ko!"

Kaibigan? Tss! Kainin niya yang salitang kaibigan. Talagang wala siyang pakialam kahit na nasasaktan ako. Hanggang kailan ba ako magiging kaibigan? Kaibigan nalang ba ang tanging role ko sa buhay ni Eion?

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now