Vice: Ano bang gusto mong gawin ko? Ibigay ang gusto mo?

Karylle: Bakit? Ano ba sa tingin mo ang gusto ko?

Vice: Ito.

Karylle: Say it!

Vice: Na may mangyari sa atin.

Karylle: You think I want to have sex? *disappointed* Ganyan talaga ang iniisip mo?

Vice: Ano bang ibig sabihin ng ginagawa natin, K? Sorry pero magpapakatotoo ko sa 'yo. Ayoko pa talaga.


Biglang sinampal ni Karylle si Vice. Nabigla si Vice. Naiyak na si K.


Vice: Ano bang problema mo?! Dahil sinasabi kong ayoko?! *uminit na rin ang ulo* Kailangan ko bang ulit-ulitin na bakla ako, Karylle? Kailangan ba paulit-ulit kong sabihin na hindi ko nga kaya!

Karylle: Alam mo wala akong planong makipagsex, Vice! Hindi ako gano'n! All I want to feel is you! *bahagyang tinulak si Vice sa dibdib* To make love without taking our clothes off. Kasi mahal kita! Pero ano ba 'tong pinaparamdam mo sa 'kin? Na mas importante pa sa 'yo 'yang pagkabakla mo? Na parang ako pa ang lumalandi sa 'yo?! Vice, lahat ng dinemand mo to prove how much I love you, ginawa ko. Dahil ayokong maramdaman mong, hindi ito totoo. Pero bakit gano'n?  Bakit sa tuwing didikit ako sa 'yo parang kailangan ko pa ng approval mula sa 'yo? Boyfriend kita di ba? Hindi ba 'to kasama sa relasyon nating dalawa?

Vice: K, hinahawakan naman kita. Hinahalikan. Niyayakap. Nakakatabing matulog. Isn't that enough? Akala ko naiintindihan mo 'ko. Akala ko naiintindihan mo na kailangan ko lang ng panahon.

Karylle: Binigyan na kita... Wala na akong maibibigay pa na mas mahabang panahon.

Vice: Anong gusto mong gawin ko?

Karylle: Ewan ko.

Vice: Karylle, hindi madali ang hinihingi mo!

Karylle: Wala akong sinabing madali. Hindi ko alam kung magtatagal tayo sa ganito, Vice. *tumulo ang luha* Mahal kita pero napapagod na rin akong i-please ka.


Dumiretso na sa banyo si Karylle. Naiyak siya sa banyo habang mabilis na nagpapalit ng damit. Napaupo naman sa dulo ng kama si Vice. Paglabas ni Karylle ng kwarto sumunod si Vice at pilit pa ring pinipigilan ito pero sa tuwing mag-uusap sila, nagsisigawan na lang sila. Kaya hinayaan na lang ni Vice na umuwi si K dahil wala ng mangyayari pa. Sa sobrang inis ni Vice sa sarili niya humiga siya sa kama at pinagdiskitahan ang mga unan. 

Kinabukasan hindi nakikipag-usap si Karylle. Kahit na nasa trabaho sila. Dumidikit si Vice sa kanya, kapag nandyan ang mga kasama nila, tahimik lang si K at di umaalma sa paglapit ng boyfriend niya. Kapag on-air na sila, parang walang problema pero hindi sila naghaharutan. Kapag silang dalawa na lang hindi talaga nagre-react si K kay Vice at iniiwasan niya ito. Hanggang sa pag-uwi hindi sila maayos. Nalilito na si Vice kung ano ba ang dapat niyang gawin. Hindi sila nag-uusap ni K. Mag-text man sila pormal lang. Walang sweetness. Nag-isip si Vice. Sa totoo lang naiintindihan naman niya ang hinihingi ni K. Intimacy in a relationship doesn't always mean 'to have sex.' Intimacy ignites physical response of two people to love. Namimiss na niya si Karylle pero hindi pa rin kasi siya sigurado kung makakaya na ba niya na ibigay ng buo ang sarili niya bilang lalake.

Nagpunta si Vice sa bahay ni K. Kasama niya noon sina Negi at Alex Gonzaga. Kahit hindi komportable si Karylle sa sitwasyon na 'yon, okay na rin sa kanya na makasama sila. Nagkwentuhan lang sila. Kung umasta ang dalawa akala mo hindi sila magkaaway. Pero kahit hindi halata ng mga kasama nila, nararamdaman ni Vice na ayaw magpahawak sa kanya ni K. Umiiwas ito kahit sa kamay lang na paghawak. Namimiss na talaga ni Vice si K kaya sobrang nahihirapan na talaga siya. After nilang mag-dinner, nagpasya na silang umalis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now