"San tayo punta?" tanong ko.

"Sa canteen, gutom ako Asper." sabi niya na nakahiga parin sa kama niya. Ano pa bang bago?

"O siya, dali na." sabi ko bumangon naman sya. "Teka, asan pala si Kayle?" tanong ko.

"Umuna na ang bruha." sabi niya. So ayun nga pumunta na kami sa Cafeteria para ano pa nga ba? Para kumain. Di magtatagal talagang mananaba na ako dito sa totoo lang.

Nang makarating na ako sa Cafeteria, naalala ko lahat yung kalokohang ginawa namin kay Shye. Ako nga lang pala ang may pakana nun. 

Simula kasi nun, sa dorm room na ako kumakain, iniiwasan ko kasing makita si Shye. 

Alam niyong palamig muna? Yung iwas iwas muna baka may pinaplano rin yun, mga katulad kasi niya parang may binabalak parati na hindi maganda.

"Asper, Ashley, Dito oh." tawag ni Nikki, Nakita ko naman sya at nandun rin pala si Kayle, at dalawang lalaking di ko kilala. Aba! May mga bagong mukhang nakikijoin samin ah. Tumungo agad kami ni Ashley dun kila Kayle. 

Teka, bakit pakiramdam ko wala sa mood si Ashley ngayon? 

Hindi sya gaanong naimik, simula pa nung papunta palang kami dito sa Cafeteria. 

Ano kayang meron?

"Good morning." nakangiti kong sabi sa kanila.

"Morning din Asp." Sabi ni Nikki.Asp? Bago yun ah.

"Good morning." bati sakin ni Kayle nung nakaupo na kami. Still di pa rin naimik si Ash, badtrip nga ata nagsimula nang kumain eh, Nag order na rin kasi sila Kayle para sa amin.

"Teka anong meron? Bakit wala sa mood ang 'sang 'to? tsaka sino naman sila?" tanong ko tapos nakatingin kay Ashley na minumurder ng bibig niya ang pagkain then sa kanila ulit Kayle at dun sa mga Lalaki. Uy! Gwapo.

"By the way, itong nasa gilid ko si Shaun Perez. Kararating lang nila sa school, galing ng kung saang lugar man yun tapos ginutom kaya ayan naki-sit-in nalang satin. Wala pa kasing tao maliban sa min nung dumating sila." sabi ni Nikki sabay turo dun sa lalaking may brown hair at gray eyes. 

May eyeglasses sya at may hawak na maliit na libro sa kaliwang kamay tapos may cute na singsing sa kanang kanang niya. 

Typical na geek type pero ang gwapo niya rin, infairness. 

Yung tipong isang tingin mo palang parang alam mo nang tambay ng library. Nakita ko namang nagtwinkle ang mata ni Kayle. Ahhh. Alam na.

"So, let me guess, ang ability mo may kinalaman sa mga information cheness? Yung parang walking library ka?" panghuhula ko.

"Pano mo nalaman?! Analysis ba ang ability mo?" excited na sabi nung isang lalaki. Tinitigan ko sya, parang may kamukha sya.

"Ang galing naman,.nalaman niya agad!" sabi pa niya. 

So I guess tama nga ako pero ano raw? analysis ability? Ano yun?

"Bayaan mo yan, 'sang kalahati't timang yan." sabi ni Ashley.

"Talaga naman eh, napakagaling kaya ng Analysis na ability." sabi nung lalaki. Sayang gwapo pa naman.

"Logic yun, bulok. as in L-O-G-I-C. Logic! Tanong mo kay Shaun kung san mo yan makukuha ng magkalaman naman kahit kapirangot ang utak mo." sabi ni Ashley.

"Ang harsh mo naman monster-in-the-closet. Alam mong talino ko nga eh." sabi nung lalaki. Magkakilala na si Ashley at ang lalaking to?

"Wag mo nga akong tawaging ganyan!" inis na sabi ni Ashley.

Lost Academy Where stories live. Discover now