To: Jeric Fortuna (1.49pm)
Cap! Salamat sa coffee and sandwich. Bawi ako sayo next time. :D
From: Jeric Fortuna (2:02pm)
Haha wala yun. Baka kasi bigla ka nalang magcollapse diyan. Mabibigatan mga kaklase mo buhatin ka papuntang Health Service. Hahaha
Ano ba yan, may pang-aasar parin nagpasalamat nga lang ako. Adik to a.
To: Jeric Fortuna (2:09pm)
Salamat sa concern mo sa mga kaklase ko ha? Haha
From: Jeric Fortuna (2:13pm)
Ganun talaga. Mahal ko buong UST community. Haha So uuwi ka na after classes?
To: Jeric Fortuna (2:19pm)
Hindi pa. May mga gagawin pa sa org. Malapit na kasi yung event e.
Gusto ko sana ihirit, "so ako mahal mo rin?" pero siyempre hindi na. Baka mailang to sakin.
From: Jeric Fortuna (2.23pm)
Ang tibay mo talaga. Wala ka bang balak magpahinga? Haha
To: Jeric Fortuna (2:30pm) Haha ayos lang, Saturday naman na bukas. Wala nang pasok kaya makakabawi ako ng tulog
From: Jeric Fortuna (2.41pm)
Sabagay. Sige, magmimeeting ulit kami ng groupmates ko. Ingat ka, Celine! :)
To: Jeric Fortuna (2:46pm) Okay. Makinig ka dyan ha? Haha Salamat, Cap! Ingat ka din :)
~~~
Mas late pa kami natapos nila Tin kaysa kagabi. Kulang nalang ipagtabuyan kami nila Kuya Guard palabas ng bldg pero buti nalang kilala na nila kami kaya napapakiusapan pa. "Ililigpit nalang namin to, kuya. Wait lang" sabi ni Tin habang ginagamit ang charm niya
"Osige. Bilisan niyo dyan ha. Madilim na sa labas" sabi ni Kuya Guard.
"Opo" sagot namin
Hinatid nanaman namin ang materials at ibang props sa dorm ni Tin. Pabalik na ako ng UST nung napansin ko na sarado na yung Espana gates. Nako naman pag minamalas ka nga naman. No choice ako kundi umikot sa labas ng UST. Sa may P. Noval side nalang ako dumaan dahil mas malapit yun sa dorm at may Ministop kasi akong madadaanan. Sakto bibili na rin ako ng pagkain. Huling kain ko pa yung sandwich at kape na binigay ni Fort at dalawang siomai pala na hiningi ko kay Tin. Nasa may counter na ako nung makita ako ni Kevin at Teng.
"Uy, Celine!" bati nila sakin
"Uy. Hi, Kevin. Hi, Teng”
"Diba sa Dapitan ka? Bakit ka napadpad dito?” tanong ni Kevin "
Bawal ba? Haha Joke lang. Galing ako sa dorm ni Tin. Gumawa ulit ng props para sa event."
"Ah kala ko nakipagdate ka nanaman e" asar ni Teng
"'Nanaman?' e di nga ako nakipagdate kahapon e. Haha"
"Hindi naman yung kahapon yung sinasabi ko e. Hahaha" sagot ni Teng
Nung una di ko ma-gets. Yun pala kami ni Fort tinutukoy niya
"O, medyo nag-loading ka dun a. Hahaha" sabi ni Kevin
"Oo. Kasi nga hindi siya date. Osige na uuwi na ako. Gutom na talaga ako e. Haha"
"Di na kami magtataka kung gutom ka. Haha Mag-isa ka lang? Hatid ka na namin ni Teng" offer ni Kevin
"Nako wag na. Kaya ko naman. May mga ilaw pa naman e. Haha"
"Di ka naman ipagtatanggol nung mga ilaw pag may masasamang loob e. Hahaha" biro ni Teng
"E mukha naman kayong mga poste kaya ganun din yun. Loko lang. Hahaha"
"Grabe ka talaga, Celine. Hahaha" sabi ni Kevin "we insist. tsaka baka pagalitan kami ni Cap pag hinayaan ka namin umuwi mag-isa ng ganitong oras"
"Haha di yun no. Baliw talaga kayo." sagot ko
"O tara na. Hatid ka na namin. Swerte mo kami bodyguard mo" biro ni Teng
"Swerte niyo ako kasabay niyo" biro ko naman
"Di ka talaga magpapatalo e no? Hahaha" sabay sabi ni Kevin
Sobrang nakakatawa kasama tong dalawang to. Lakas din mag-asaran at barahan. Sa kakatawa namin di ko namalayan nasa dorm na pala ako.
"Dito na ako. Salamat, Kevin. Salamat, Teng! Ingat kayo pabalik." sabi ko
"Wala yun no. Kami pa. Haha Sige, good night Celine!"
"Good night!"
~~~
Pagdating ko ng room, nag-impake na ako ng gamit dahil sabay-sabay kami uuwi bukas nila Jill at Kate sa Paranaque. Ako ang pinakamakalat samin kaya medyo natagalan ako bago natapos. Pagkahiga ko, saka ko lang naalala i-check ang phone ko. May mga nagtext pala.
From: Jeric Fortuna (11.04pm)
Nabanggit sakin nila Kev hinatid ka daw nila. Late nanaman kayo natapos sa props a.
To: Jeric Fortuna (12.33am)
Oo e. Naisip kasi namin Friday na kaya tinodo na namin.
From: Carlo Madrigal (10.16pm)
Anong oras ka uuwi bukas? May tune up game kami. Sa bahay kami maglulunch. Baka lang magulat ka pagdating mo. Haha
To: Carl Madrigal (12:35am)
Haha after breakfast aalis na kami dito so mga 11am nasa bahay na ako.
From: Belle Diaz (9.32pm)
Celine! I'll see you tomorrow the party, okay? I miss you! :)
Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na birthday party ni Belle bukas.
To: Belle Diaz (12:38am)
Of course! I miss you too! :)
Ilalapag ko na sana ang phone ko nang biglang may dumating na text.
From: Jeric Fortuna (12.39pm)
O, bakit gising ka pa? Di ka pa ba matutulog?
To: Jeric Fortuna (12.41pm)
Kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit. Uuwi kasi ako bukas.
From: Jeric Fortuna (12.43pm)
Ah. Paranaque ka rin diba? Gusto mo sumabay ka na sakin? Uuwi din kasi ako.
Kung alam ko lang sana di ko na dinala kotse ko. Next week kaya. Joke.
To: Jeric Fortuna (12.44pm)
Yup, Paranaque din. Ayos lang. May dala akong kotse. Thanks sa offer J
From: Jeric Fortuna (12.45pm)
Sige. Next time nalang tayo magsabay. Haha
Next time? So next week? Joke ulit.
To: Jeric Fortuna (12.47pm)
Hahaha sige, matutulog na ako. Good night, Cap! :)
From: Jeric Fortuna (12:49pm)
Okay.Good night, Celine! Ingat sa pagdrive mamaya :)
أنت تقرأ
Expected, but not really.
أدب الهواةHi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, currently in a relationship. ---------------------------------------------------------------------- Hi, I'm Karla Celina Herrera Madrigal - taking...
Chapter 8: Text text nalang
ابدأ من البداية
