Chapter 8: Text text nalang

Mulai dari awal
                                        

From: Celine Madrigal (12:49pm)  

Hindi nga e. May make-up class kami ng 1pm. Ughhhhhh.  

To: Celine Madrigal (12.50pm)  

Grabe naman. Dyan parin sa classroom niyo?  

From: Celine Madrigal (12:52pm)  

Oo. Wala naman gagamit nito after e. Bakit?  

Di na ako nagreply. Hindi ko alam ano gusto niya pero dahil matakaw yun, di naman yun aangal.. To namang babaeng to dami kasing gustong gawin e.  

Pagdating sa bldg nila, tinanong ko sa mga Fine Arts students kung san ang room ng section ni Celine. Buti nalang wala nagtangka magpapicture. Baka dahil may dala din ako. Sakto kilala ko yung prof na makakasalubong ko. Buti nalang prof din siya sa Commerce.  

"Ma'am!" tawag ko sakanya  

"O, Jeric. Why are you here? And may dala ka pa a. May nililigawan ka ba sa students ko?" pang-asar ni ma'am  

"Haha hindi po. Ibibgay ko lang po sana to sa friend ko. Dito po ba kayo?" sabay turo ko sa pintuan ng classroom nila Celine  

"Yes, dyan nga. Sige, tawagin mo na siya. Mag-cCR pa naman ako." sabi ni ma'am  

"Sige po. Thank you po ma'am."  

Binuksan ko yung pintuan ng classroom nila at natahimik sila nung nakita nila ako. "Pwede po ba kay Celine?" bungad ko. Lahat sila nagtinginan sa likod kung saan nakaupo si Celine. Nakakatawa itsura niya. Nagulat siya na nandun ako at wala siyang idea bakit. "Hi Mimi, Ria" bati ko sa mga kaibigan niya nung papunta na si Celine.  

"Naliligaw ka ata" sabi niya sakin  

"O. Kailangan mo yan" sabay abot sakanya ng coffee at sandwich  

"Bakit?" sabii niya pagkakuha niya. Di nalang nag-thank you agad, Di ko rin alam sasabihin ko.  

"Alam kong gutom at pagod ka. Baka mabaliw ka. Baliw ka na baka lumala ka pa" pang-asar ko sakanya  

"Langya ka talaga" sabay hampas niya sakin "thanks a" nakangiti niyang sinabi  

Sakto dumating na prof niya. "Ah si Celine pala yung "friend" mo. Okay na ba, Jeric?" sabi nakin ni ma'am.  

"Yes, ma'am. Thank you po" sabi ko. "Bye, Celine!"  

"Bye, Fort. Salamat ulit" at pumasok na siya ng classroom.  

-----------------  

Celine's POV  

"Ang thoughtful naman ng friend mo, Celine" sabi ni ma'am sa buong klase nung pabalik na ako sa upuan.

Halos lahat nang-aasar. May mga nagsasabi ng "Yiiiiiii" o di kaya "naks naman, Celine! Fortuna pala e". Nakakainis naman to si ma'am, lakas mang-issue.  

"Okay, settle down class. Let's begin." Buti nalang at natahimik na ulit yung classroom. Ano bang pumasok sa isip ni Fort at naisip niya dalhan ako ng pagkain. Kinilig naman ako. Hindi, mabait lang talaga si Fort sa mga kaibigan niya, Hay nako, #MedyoFangirl mode.   Buti nalang dinalhan niya ako ng pagkain at kape. Parang di ko na rin kakayanin yung antok ko para sa make-up class na to at sa mga susunod pang klase. At magkikita pa kami ulit nila Tin para sa props. Sige, kaya ko to. Teka, magpapasalamat pala ako kay Fort.  

Expected, but not really.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang