*snooze*
*alarm*
Pagtingin ko sa cellphone ko, 9.30am na! Amp! Nasobrahan nanaman ako sa tulog, ano ba naman yan. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakakahiya medyo tumutulo pa ang buhok ko pero wala na akong pakialam. Terror pa naman prof kaya bawal ma-late.
"Te, anyare sayo? Basang basa pa buhok mo o" bungad sakin ni Ria
"Ano oras ka nanaman ba nagising, quarter? Hahaha" dagdag ni Mimi "Lapit mo na nga lang, almost ma-late ka parin pumasok"
"Kasi naman 8am na ako natapos sa plates. Ginawa ko pa kasi yung term paper at proposal sa org" paliwanag ko
"Ayan ka nanaman e, pinipilit mo nanaman gawin lahat. Okay lang naman magpahinga paminsan-minsan. Baka magkasakit ka niyan te" sabi ni Mimi
Medyo kasalanan ko rin naman kasi late na ako nakabalik ng dorm. Speaking of...
"Mimi, may pinakilala sakin si Kim kahapooooon" pang-asar ko sakanya
"Omg! Pinakilala ka na kay baby? Gwapo niya diba? Mabango ba? Pakilala mo na ako!" kilig na kilig na sinabi ni Mimi
"Mimi, di ko naman inamoy si Teng. Haha" sagot ko. Lakas talaga ng pagka-fangirl ng babaeng to.
"Basta ipakilala mo ko a." sabi ni Mimi
"E hindi pa naman kami close e, pero sige pag nakasalubong natin"
"Uy yung ngiti ni Mimi abot tenga o" asar ni Ria
"Sabi na talaga di ako nagkamali kaibiganin ka. Hahaha" sabi ni Mimi
Tumahimik na kaming lahat dahil dumating na ang terror prof. Mabuti nalang wala siyang pinunit sa plates namin.
--------------------
Jeric's POV
"Gudjab team! Pagpatuloy niyo lang yung laro niyo kanina at magiging maganda kalalabasan ng mga laro natin. Basta pokus at disiplina mga bata!" sabi ni Coach Pido "
Yes, coach!" sagot namin
Anong oras kaya natulog to si Celine. Sabi niya marami daw siyang gagawin e.
To: Celine Madrigal (12.25pm)
O, ano oras ka na natulog kanina? Hahaha
From: Celine Madrigal (12.31pm)
8. Haha
Anakng. Tindi din nito a. E alam ko 10am klase nito.
To: Celine Madrigal (12.34pm)
Grabe. Edi di ka na pumasok?
From: Celine Madrigal (12:39pm)
Pumasok. Muntik pa nga ako ma-late. 9.30 na ako nagising haha
To: Celine Madrigal (12.41pm)
Haha Dapat natulog ka nalang. Or next subject ka na pumasok.
From: Celine Madrigal (12:44pm)
E para dito yung plates na ginawa ko e. Haha
To: Celine Madrigal (12:46pm)
Ah, kaya pala. Ayos lang yan, malapit na mag-1pm. Makakakain ka na. Haha
YOU ARE READING
Expected, but not really.
FanfictionHi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, currently in a relationship. ---------------------------------------------------------------------- Hi, I'm Karla Celina Herrera Madrigal - taking...
Chapter 8: Text text nalang
Start from the beginning
