Chapter 39

3K 110 18
                                    


Jimin's POV

One month passed and masasabi kong magulo ang lahat. Sobrang gulo na. "Dianne kumain ka muna oh. Nagluto ako ng breakfast para sa'yo. Kagabi ka pa kasi hindi kumakain." sabi ko at tumabi sa kanya.



Hindi nya ako pinansin at nagtalukbong lang sya ng kumot. Bumuntong hininga nalang ako. Isang buwan na syang ganyan. Isang buwan na syang palaging wala sa sarili at palaging nakakulong sa kwarto namin.



"Dianne naman please. Kumain ka naman kahit tatlong subo lang! Pumapayat ka na oh!" sabi ko sa kanya at hinila ang talukbong ng kumot nya. Umupo sya at tinabig ang pagkain na pinaghirapan kong lutuin kanina.



Tumapon yung pagkain sa sahig. "Sabing ayoko eh! Hindi ka ba makaintindi!" sabi nya at umalis sa kwarto namin. Siguro sa garden na naman yun pupunta. Palagi naman syang nandun kapag wala sya sa sarili nya.



Nilinis ko yung pagkain na nagkalat sa sahig at nilagay ko yun sa kusina. Umakyat ulit ako sa taas para tingnan sila Khaizer at Kevin. Pagkabukas ko, gising silang dalawa pero hindi umiiyak. Kinuha ko yung posifier at nilagay sa kanila tapos lumabas na ako.



Bago ako bumaba, tiningnan ko muna ang buong bahay. Hindi na 'to 'yung bahay na nakasanayan ko isang buwan ang nakakaraan. Hindi na 'to yung bahay na masaya at puno ng love. Feeling ko kasi ako nalang ang mag-isang nakatira dito. Oo andyan nga si Dianne pero feeling ko parang wala din sya kasi hindi nya naman ako pinapansin.



Bumaba ako at dumeretso sa sala. Umupo ako sa sofa at nanood ng TV. Halos wala rin akong mapanood dahil palipat-lipat lang ako ng chanel sa remote. Pinatay ko nalang 'yun at pumunta naman ako sa kusina. Hinugasan ko 'yung mga hugasin.



Napagpasyahan ko na maglaba na dahil baka marami-rami na ang labada. Umakyat ulit ako sa taas at pumunta sa kwarto namin ni Dianne. Kinuha ko 'yung basket ng mga maruruming damit. Sunod kong pinuntahan 'yung kwarto ng mga bata at kinuha ko rin 'yung mga labahin.



Binuhat ko 'yun at dumeretso sa likod ng bahay. Doon kasi kami dati naglalaba ni Dianne. Nilabahan ko 'yung sandamukal na mga damit na 'yon tapos sinampay ko na. Pagkatapos kong maglaba, nagluto naman ako ng lunch.



Lagi namang ganito ang routine ko sa loob halos ng isang buwan. Magluluto ng pagkain sa breakfast tapos ako lang rin ang kakain mag-isa. Maghuhugas ng mga hugasin, maglalaba ng mga maruruming damit, lilinisan 'yung mga bata and magpupunas ng mga alikabok sa sala. In short, parang naging yaya ako dito.



Minsan nga naiisip ko na sana bumalik 'yung nakaraan. Sana hindi naging ganito 'yung takbo ng buhay ko, 'yung takbo ng buhay namin. Kasi nahihirapan na ako. Kinakaya ko nalang para sa mga anak ko. Halos mawalan na ako ng pag-asa noon pero mabuti nalang at nandyan sila hyung para alalayan ako.



Pinatay ko na ang apoy sa kalan dahil luto na ang niluto kong adobo. Tiningnan ko ang wall clock at 11:39 am na. Gusto ko nang kumain dahil napagod ako sa paglalaba. Tatawagin ko muna si Dianne sa garden. Pagkapunta ko sa garden, naabutan ko na naman sya sa favorite nyang pwesto. Sa swing.



Nagduduyan sya dun mag-isa habang umiiyak na naman. Hindi ko naman sya masisisi kung bakit nagkakaganyan sya. Pati ako halos magkaganyan rin dati. Nagkakaroon lang siguro sya ng emotional breakdown. Nilapitan ko sya at inayos ang magulo nyang buhok.



"Dianne tara na. Kumain na tayo." sabi ko at itinayo sya. Pinunasan ko muna ang mga luha nya bago ko sya inakay papuntang kusina. Pinaupo ko sya sa upuan at hinain ko na yung pagkain. Salamat sa Diyos at kumain naman na si Dianne. Pagkatapos nyang kumain umakyat sya sa taas. Siguro magkukulong na naman 'yun sa kwarto namin.



Magkukulong sya sa kwarto at maghapong iiyak. Minsan naaawa na'ko kay Dianne. Ang laki ng pinagbago nya, physicaly and emotionally. Natapos na din akong kumain at hinugasan ko na yungd mga hugasin. Pagkatapos kong maghugas, umakyat naman ako sa kwarto ng bata at binihisan ko sila ng bagong damit.



Pina-inom ko na rin sya ng gatas. Napagpasyahan ko namang pumasok sa kwarto namin. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Pagkapasok ko, nakahiga na naman sya at nakaatalukbong ng kumot. Naririnig ko rin ang mga hikbi nya.




Bumuntong hininga ako at piniglan ang nagbabadyang luha sa mga mata. Hindi ako pwede umiyak sa harap nya. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na mahina ako. Sinimulan kong linisin ang buong kwarto namin. Nagsimula ako sa cr hanggang sa mga table.




Lilinisin ko na sana ang kama kaso nandyan pala si Dianne. "Dianne, pwede bang tumayo ka muna saglit. Lilinisin ko kasi yung kama." sabi ko sa kanya. Sumunod naman sya at tumayo. Nakikita ko sa gilid ng paningin ko na pinagmamasdan nya ako habang naglilinis ako. "Oh tapos na. Higa ka na ulit." nakangiting sabi ko sa kanya pero deep inside nasasaktan na ako kasi hindi man lang sya ngumiti sa'kin.



Humiga sya sa kama at mabuti hindi na sya nagtalukbong ng kumot. Palabas na sana ako ng kwarto ng magsalita sya. "Jimin bakit?" sabi nya. First time nya ako kausapin ng mahinahon sa loob ng isang buwan.



Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. "Anong bakit Dianne?" tanong ko sa kanya. "Bakit hindi pa rin nila binabalik si Krizzle?" tanong nya na nagpabuhos na naman sa mga luha nya. Alam nyo ba kung bakit nagkakaganyan si Dianne? Kasi sa loob ng isang buwan, hindi pa rin nila binabalik si Krizzle.



"Dianne ginagawa ko na ang lahat para mahanap sya." sabi ko sa kanya. "Ginagawa ang lahat? Kung ginagawa mo ang lahat dapat nandito na si Krizzle!" pasigaw nyang sabi. Ayan na naman. Mag-aaway na naman kami! 




"Ginagawa ko naman ang lahat Dianne! Mahirap lang talaga kasi na mahanap si Krizzle! Lalo na't wala pa tayong suspect!" sabi ko rin sa kanya. "Ayan ka na naman sa suspect suspect na yan! Palagi nalang yan ang dahilan mo!" sigaw na naman nya.



Nahihirapan nako. Nakakasawa na! Umalis ako sa tabi nya at pumunta sa pintuan. Bago ako lumabas, nag-iwan muna ako ng mga salita na nakapag-paiyak sa'kin at kapagpatigil sa kanya.



"Dianne Happy 1st Anniversary"

Sabi ko at lumabas na sa pinto.





===========================

GUYS ANO AYOS BA? KINGINERS YUNG OBARYO KO SUMABOG DAHIL DUN SA FIRE MV NG BTS!! BANGTANGINA LUNGS!!!

Credits to the bookmaker : @donught

Ang ganda ng cover no? :)

*VOTE

*COMMENT.

*BE A FAN

-Shine_Kim

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon