Chapter 15

5.4K 187 28
                                    


Jimin's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Rachel.

"Pero para maka-move on ako, pupunta ako ng states." sabi nya at ininom ang beer na inorder nya.

"Pero pwede ko naman syang i-divorce ah! Maghintay ka lang ng konting panahon Rachel!" sabi ko sa kanya.

"No! Hindi mo sya pwedeng hiwalayan lalo na't magkaka-baby na kayo!"

"Paano mo nalaman ang tungkol dun?"

"Syempre nagpa-imibistiga ako!"

Feeling ko parang dinudurog na naman yung puso ko. Nasasaktan ako sa sitwasyon ni Rachel ngayon!

Maya-maya lang tumayo na sya.

"Aalis ka na?" tanong ko sa kanya.

"Yes, uuwi na ako ng bahay."

"Pero pano na tayo?"

Lumapit sakin si Rachel at hinawakan ang muka ko.

"Simula ngayon Jimin, pinuputol ko na ang koneksyon natin sa isat-isa. Maging mabuti kang ama sa magiging anak nyo ni Dianne. Mahalin mo rin si Dianne tulad ng pagmamahal mo sakin. And for                    the last time, I love you Jimin!"

Sabi nya at dahan-dahang inilapit ang muka ko sa kanya. Hanggang sa naramdaman ko ang mga labi nya.

Naramdaman ko din ang pagtulo ng luha nya. Pagkatapos nya akong halikan, tumakbo na sya palabas ng bar.

Ako naman, naiwang tulala dito. Hanggang sa dumating si Suga hyung at nag-aya nang umuwi.

Hinatid ako ni Suga hyung sa bahay at umuwi na rin sya.

Natulog agad ako pagkadating sa bahay. Tutuparin ko ang mga sinabi sakin ni Rachel. Palagi ko 'yong tatandaan.

Dianne's POV

Maaga akong umuwi sa bahay namin ni Jimin. Pagdating ko dun, bigla nalang may nagbago sa pakiramdam ko.

Hinahanap ng ilong ko ang amoy ni Jimin. Kaya pumunta agad ako sa kwarto nya.

Pagdating ko dun, nakita ko syang natutulog pa. Napangiti ako sa nakita ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at humiga din sa kama nya.

Nakatalikod sya sakin kaya yung batok nya ang nakaharap sa muka ko.

Hindi ko namalayan na inaamoy ko na pala yung batok ni Jimin.

Gustung-gusto ko yung amoy nya kahit hindi pa sya naliligo!

Hindi ko lang inamoy yung batok ni Jimin, kinagat ko pa! Nakakagigil eh!

Basta ang bango-bango nya! Bigla syang gumalaw ng maramdaman nyang kinagat ko sya.

Nagising sya at humarap sakin. Akala ko pa nga magagalit sya eh pero hindi! Nakangiti sya sakin!

Bigla nya akong niyakap at sinubsob yung ulo ko sa dibdib nya.

"Dianne." tawag nya sakin.

"Bakit?"

"Ano na yung resulta?"

"Resulta ng alin?"

"Diretsuhin na nga natin! Buntis ka ba o hindi?"

"Ah eh, oo na! Buntis na ko! Ikaw kasi eh! Di ka makapag-antay!"

"Dianne gusto ko ng kambal na anak."

"Sus wag na! Sabi ni Mom mahirap daw manganak!"

"Dali na!"

"Hinde! Ayoko!"

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon