Chapter 33

4K 118 26
                                    


Jimin's POV

Nandito na kami sa grocery store ni Dianne at kanina ko pa napapansin na para syang hindi mapakali.

"Dianne are you okay?" I asked her. "Oo." sagot nya pero pinagpapawisan sya. "May sakit ka ba? Bakit kanina ka pa pinagpapawisan at medyo namumutla ka din?" tanong ko ulit sa kanya.

"Bilisan nalang natin Jimin para makauwi na tayo. Gusto ko nang makita ang mga bata." sabi nya kaya tinanguan ko nalang sya. Nakapila na kami sa counter at may babaeng nakabangga si Dianne.

"Oh sorry. Paharang-harang ka kasi." sabi nung babae. Wait parang pamilyar ang muka nya. Parang nakita ko na sya sa school dati.

"Sorry din." sabi naman ni Dianne. Tiningnan ako nung babae at ngumiti sya sakin. "Hey Jimin!" bati nya sakin peo nagtaka talaga ako. How did she know my name?

Kinunutan ko lang sya ng noo. "Ow I guess hindi mo na ako maalala. Ako nga pala si Kyla Min. We're schoolmates dati. Ako yung may gusto sa'yo dati right? Ako lagi yung nagpapadala ng mga sulat sa'yo." sabi nya at inalok ang kamay nya.

"Ah ikaw pala yun. Nice meeting you by the way this is Dianne, my wife." nakangiting sabi ko sa kanya at hinatak ko sa bewang si Dianne.

Nakita ko namang inismiran nya si Dianne bago sya nagsalita. "I know. Akala ko nga katulong mo lang sya eh. Ang panget nya kasi." hindi ko naman narinig yung sinabi nya sa huli.

"May sinasabi ka bang masama sa asawa ko?" tanong ko dun kay Kyla. Ngumiti sya sakin bago sumagot. "Ha? Wala kaya! Bakit ko naman sasabihin yun sa asawa mo?" maang-maangan nya pa pero halata mo naman na nagsisinungaling sya.




Kami na ang next na magbabayad kaya hinila ko na si Dianne at nagbayad na kami. Pagkatapos, kinuha ko na yung mga pinamili namin at lumabas na sa grocery store.


"Jimin, hindi ko type ang ugali nung babaeng yun." sabi ni Dianne sakin habang naglalakad kami papuntang parking lot. Dinala ko kasi yung kotse ko.



"Hayaan mo na yun. Hindi naman na siguro natin sya mae-encounter." sabi ko nalang sa kanya at kinuha ang susi ng kotse at binuksan ang compartment sa likod ng kotse.



Nilagay ko ang mga pinamili namin dun at sinara yun. Pinagbuksan ko muna ng pintuan ng kotse si Dianne bago ako umupo  sa driver's seat.



Nag-drive na ako pauwi at nakatulog si Dianne. Siguro napagod sa pagiikot-ikot namin kanina. Pinark ko yung kotse sa garahe sa bahay at binuhat ko si Dianne para makapasok sa bahay. Ayoko naman kasing istorbohin ang tulog nya.




Nilapag ko sya sa kama namin sa kwarto at inayos ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa muka nya. Lumabas ulit ako ng bahay at kinuha ang mga pinamili namin at nilagay ko yun sa kusina.




Pumasok ako sa kwarto ng mga anak namin at nakita ko ang Bangtan dun na tulog lahat. "Kaya pala tahimik. Tsk tsk!" sabi ko nalang at pinagdadampot yung mga kalat.



Ang gulo nila ngayon sa kwarto. Yung mga anak ko nasa crib nila. Tulog lahat. Si Jungkook nasa isang kama nakahiga tapos yakap-yakap pa yung isang teddy bear.



Si Taehyung na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader tapos tulog din. Si Hoseok hyung na nakahiga din sa isang kama tapos nakalagay pa yung tsupon sa bibig nya. Si Suga hyung na naka-earphones at nakasandal yung ulo sa gilid ng crib ni Khaizer at tulog.



Si Jin hyung na yakap-yakap yung pink na stuff toy at katabi si Jungkook. At si Namjoon hyung na hawak-hawak yung suklay na bali na. 




Ang gulo talaga nila tapos ang dami pang kalat sa sahig. Aish ako na naman maglilinis nito eh! Nagulat ako nung biglang mag-ring yung cellphone. Nataranta ako kaya lumabas ako sa kwarto ng mga anak namin. Ayoko kasi silang ma-istorbo. Baka magising silang lahat.




Calling ( Unregistered Number ) ....

Answer I Decline

Huh? Sino kaya 'to? Sagutin ko nalang kaya baka kasi importante.
"Hello?"

[ "Ow hi Jimin baby!" ]

"Sino ka?"

[ "Hindi mo agad na-recognize ang voice ko ah! Nakakatampo ka! By the way this is Kyla Min." ]

"Ah ikaw yung babae kanina sa grocery store!"

[ "Yup! Babe saan ba kayo nakatira?" ]

"Stop calling me babe! Meron akong asawa baka mamaya marinig ka nya at mag-away pa kami dahil sa'yo."

[ "Edi mas maganda kung maghiwalay nalang kayo! Tutal akin ka naman na dati pa!" ]

"Ano bang pinagsasasabi mo? Ibababa ko na 'to."

[ "Wait babe may sasabi- " ]

*toot toot*

Bwisit  na babae yun! Nakakainis! Ayoko pa naman sa lahat ay yung sinisira ang kaligayahan ko! Aish makapunta na nga lang sa kwarto namin ni Dianne!












Dianne's POV

Nagising ako dahil narinig ko si Jimin na may kausap sa cellphone nya. Base sa boses nya, para syang naiinis na ewan.



Nakita ko naman na parang papunta si Jimin dito sa kwarto namin kaya umupo ako sa kama at nagkunwaring kagigising ko lang. Pumasok sya sa kwarto at lumapit sa akin.



"Dianne gising ka na pala." sabi nya sakin at hinalikan ako sa noo. Hays sana manatili kaming ganito. Sana manatili kaming maayos. Pero kinakabahan pa rin talaga ako dun sa nagpadala nung sulat.



Iba yung kutob ko eh. Parang may hindi maganda syang gagawin. Hindi ko pa nga rin nasasabi yun kay Jimin baka kase mag-alala din sya. "Jimin sana manatili tayong ganito 'no?" tanong ko sa kanya.







Bumuntong hininga muna sya bago sumagot. "Ofcourse! At tsaka kahit ano namang pagsubok ang dumating kakayanin naman natin." sabi ni Jimin sakin at hinatak ako patayo tapos niyakap ako.







"Alam mo Dianne, simula noong ipinanganak mo ang mga bata ipinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi kita lolokohin. Na hindi na kita sasaktan." sabi ni Jimin at hinalikan ang ulo ko. Niyakap ko naman sya pabalik at mas hinigpitan ko ito.





"Sana nga Jimin. Sana nga"










===========================

Jusko sorry sa matagal na update T^T . Ang dami ko kasing inasikaso eh. Yung clearance namin huhu. Btw eto na sya tadahhh! Sana nagustuhan nyo! Comment nyo nalang mga hinanakit nyo sakin T_T sorry talaga.

*VOTE
*COMMENT
*BE A FAN

-Shine_Kim
-Asawa ni Junhoe / Joshua

I'm Mr. Jimin's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon