Bet Your Heart ♡ Chapter 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero pangarapin daw bang maloko? Ibang klase talaga ako. I'm so different and only me can define the word 'extraordinary.' Charot!

Eh, kayo ba pinangarap niyo iyon? I'm pretty sure, it's a big no, no with matching todong iling! Kasi nga, ako lang ang nag-iisang tao sa mundo na nangangarap na mapaglaruan at masaktan.

"Bakit ang sungit mo? Na-interrupt ko na naman ba ang pagdi-daydream mo?" tanong pa ni Renz nang masabayan na niya ako sa paglalakad.

"Nakuha mo, Tsong!" May kasama pang hampas sa braso niya na sabi ko. Para with intense feelings.

Wala na talaga akong maitatago sa kanya. Kabisadung-kabisado na niya ako from head to toe and from roots to tips. Kahit brand ng mga ginagamit kong cosmetics at napkin alam niya!

Tinawanan niya ako. Pagkatapos ay umakbay siya sa akin. "Alam mo, Best..."

Tsk! Mukhang alam ko na ang sasabihin niya!

Gusto ko na sana siyang pigilan sa sasabihin niya pero naunahan na niya akong magsalita.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang aminin kay Kuya 'yang pagsintang-pururot mo sa kanya?" tuloy niya sa sinasabi niya.

Itunulak ko naman siya palayo pagkarinig ko ng sinabi niya para maalis ang pagkakaakbay niya sa akin.

Sinabi ko na nga ba!

"Tigilan mo nga ako, Renz!" naiinis kong sabi sa kanya.

Iyon kasi ang palagi niyang sinasabi sa akin kapag nahuhuli niya akong nagdi-daydream. Pero kahit kailan naman ay hindi pumasok sa pagdi-daydream ko ang kuya niya, ano?! 'Tsaka, daymare iyon kapag ganoon!

Kahit kailan talaga itong Renz na ito... ayaw maniwala na wala naman akong gusto sa kuya niya. At never ko ring pagpapantasyahan ang lalaking iyon! Isa pa iyong parang si Renz, eh. Ang hilig mang-trip at mang-asar. Hobby na nilang magkapatid na asarin at buwisitin ako. 'Tsaka, playboy kaya 'yon! Parang ako lang... playgirl.

Pero... napaisip ako bigla.

Iyon nga ang pangarap ko, 'di ba? Ang ma-in love sa isang playboy, at lokohin at saktan niya ako?

Pero ulit... pangarap lang naman iyon! Hindi naman lahat ng pangarap natutupad, 'di ba? 'Di ba?

Hay naku... ewan ko sa'yo, Lianne. Ang gulo mo. Extraordinary ka ngang tunay. Pati sarili mo ay ginugulo mo.

Nakarating na kami sa pinagpaparadahan ng van na gagamitin namin papuntang airport.

Hindi na ako inasar ulit ni Renz. Mapapagalitan kasi siya ng mama at papa nila kapag narinig na inaasar niya ako. Ang lakas ko kaya kina tito Rick at tita Belle.

"Wala na bang nakalimutan?" tanong ng mommy ko.

"Wala na po," magkasabay naman naming sagot ni Renz kahit hindi naman talaga namin alam kung may nakalimutan ba o wala.

Nauna akong pumasok kay Renz sa van. Gusto kasi niya sa tabi ng bintana and since nasa tabi na si Mark ng isang bintana, pinagbigyan ko na si Renz. Baka kasi umiyak. Cry baby ever kasi 'yan. Ang lakas magmaktol kapag hindi nasunod ang gusto. Mas spoiled pa kaysa sa akin na only child.

Nasa pangatlong row kami ng van. Ang mga parents ko naman ang nasa pangalawa kasama si tita Belle, at nasa front passenger seat si tito Rick na katabi ang driver.

Nakita kong nagre-ready na agad sa pagtulog sa biyahe si Renz pagkaupo niya sa tabi ko. Ang antukin talaga niya kahit kailan. Basta may pagkakataong puwede siyang matulog, matutulog at matutulog talaga siya. Akala mo palaging puyat pero hindi naman.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon