Chapter 35 : Party - Together

ابدأ من البداية
                                    

/ Ice lang. Pwede ka ba mamaya? /

/ Bakit? /

/ After grad party ni MJ eh. In-invite ako, isama daw kita. Okay lang ba sa'yo? Kung hindi pwede, ayos lang. Hindi naman kawalan si MJ eh. /

/ Patawa ka talaga! Sige, pupunta tayo. /

/ Okay lang sa'yo? /

/ Oo nga! Saan ba?/

/ Text ko sa'yo mamaya kung saan. Basta mag-ready ka na lang. /

/ Susunduin mo ba ako? /

/ Wow! Ano ka, chicks? Natural, hindi! Ano tingin mo sa akin? May kotse? /

/ Hahaha. Binibiro ka lang! Masyado kang mapagpatol! /

/ Leche! Sige na. /

/ Sige, love you! /

/ Lul! Fuck you! /

*END OF FLASHBACK*

"Nasaan ba si MJ?" tanong sa akin ni Karl na mukhang kanina pa excited pumunta dito sa party na 'to.

"Nandyan lang yan. Umupo na muna tayo! Punyeta! Ang layo ng pinag-parkingan mo eh." pagrereklamo ko sa kanya.

"Ice lang yun! Ayaw mo nun, na-exercise ka?" sagot niya. Nasaan ang in-exercise? Napagod lang ako sa halos tatlong kantong nilakad natin, Karl! Salamat ka at ikaw ang kasama ko kundi baka nagpakarga na ako sa'yo dahil sa pagod.

Inirapan ko na lang siya at pumunta sa pinakamalapit na table para umupo.

Pucha kasi 'tong si MJ eh. Maliit na selebrasyon lang daw, eh halos lahat ng makita ko dito hindi ko kilala! Nasaan na sina Diegz at yung iba?

"OH! Dumating ka na pala! Nasaan na yung boyfriend mo?" tanong ni MJ mula sa likod papunta sa harap ko. Ang kups na 'to!

"Hindi naman pala malaking party eh." sarcastic kong pasaring sa kanya.

Tumawa siya ng malakas, na parang nakainom na, habang umuupo sa silya na nasa harap ko.

Magsasalita na sana siya nang pigilan ko siya dahil sa naamoy ko.

"May alak dito? Ayaw ko ng alak ha?" babala ko sa kanya.

Ayaw ko talaga sa alak eh. Saka bawal pa yun sa edad ko.

Tumango naman siya at tinitigan ako habang nakataas ang kanang kamay niya.

"Oo, akong bahala. Basta mag-i-stay ka. Papakilala kita sa pare ko mamaya." sabi niya tapos napaatras ako dahil sa hininga niya. Ang tindi ng amoy ng alak eh.

"Oo na! Sige na! Shoo! Dun ka na! Ang baho mo." patakwil kong sabi sa kanya habang itinutulak ko siya palayo sa akin.

"Ang arte mo ha? Mararanasan mo rin 'to! Saka nakaka-tatlong tagay pa lang ako!" sabi niya habang pinipisil-pisil niya yung pisngi ko!

Aray ko! Magiging bulldog na ata ako sa sobrang kapipisil ng mga kumag na 'to sa pisngi ko eh.

Hinawi ko yung kamay niya tapos ay pinitik ko siya sa ilong.

"Ang sakit nun ah?" sabi niya.

"Sige na, doon ka na muna. Marami ka pang bisita eh. Kaya ko na sarili ko." sabi ko sa kanya.

Tumayo naman siya at hinawakan ng kanan niyang kamay ang kaliwa kong pisngi tapos ay hinalikan niya ako sa kabilang pisngi.

"Sige na, kumuha ka na lang ng pagkain o kahit ano mang gusto mo dun sa table na nasa gilid. Marami kang makikita dun." sabi niya tapos nginuso niya yung table na nasa kaliwa.

So Into You (BxB)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن