Tumayo muna si Vice at nagstretch. Inayos ang damit. Kinuha na rin niya ang ipad niya sa lamesa.


Vice: Tara na, Mine. *hinatak si K patayo* Matulog na tayo.

Karylle: Ayoko. Di mo naman ako tatabihan eh.

Vice: Mine...


Magkatinginan lang sila.


Vice: Magdamag na lang tayong di matutulog? May trabaho pa tayo.

Karylle: Tabihan mo na kasi ako.

Vice: Hay, ang kulit!

Karylle: *lumapit kay Vice* Wala tayong gagawin. Matutulog lang tayo. Kung gusto mo may pillow pa in-between natin. Gusto ko lang nasa tabi kita.

Vice: Sa guestroom?

Karylle: Sa guestroom.

Vice: *napauntong hininga na lang* Sige na. Wala na ring pillow in-between. Pampasikip lang 'yon.

Karylle: *napangiti ng malaki* Totoo?

Vice: Totoo. So, okay ka na?


Tumango na lang si Karylle.

Hinatak na siya ni Vice paakyat sa kwarto. Pagpasok nila sa guestroom, pinahiga na muna ni Vice ang girlfriend niya sa kama tapos ay pinatay na niya ang ilaw at ni-lock ang pinto. Tumabi siya kay Karylle at niyakap ito. Hindi sobrang dumikit si K para hindi mailang si Vice.


Vice: Goodnight, K.

Karylle: Goodnight. Wala na lang kiss ha so you won't feel uncomfortable.

Vice: Okay. I love you.

Karylle: I love you.


...


Kinaumagahan. Maaga namang nagising si Karylle kaya maaga siyang nakaligo at nakapagbihis. Tulog pa noon si Vice. Nang medyo late na at saka na lang nagkaroon ng lakas ng loob si K na gisingin ang boyfriend niya. Medyo seryoso ang aura ni Vice 'pag bagong gising. Hindi ito masyadong nagsasalita. Habang naliligo ito, bumaba muna si K para kumain dahil sobrang gutom na talaga siya. Maya-maya, bumaba na si Vice. Walang make-up. Naka-messy style ang buhok. Wearing Jeans. Black printed shirt and white nike shoes. Lumapit siya kay Karylle at hinalikan ito sa noo. Uminom lang siya ng juice. Tapos naglakad na siya palayo.


Karylle: Vice, hindi ka ba kakain?

Vice: Wala pa 'kong gana.

Karylle: Wala ka pang kinakain.

Vice: Mamaya na lang.

Karylle: Vicey...

Vice: K... hindi talaga ko kumakain ng almusal.

Karylle: Ayoko ng gano'n kasi... masama 'yon.

Vice: Sige na kumain ka na diyan.

Karylle: Mine...

Vice: K, seryoso... okay lang ako. *umupo na sa sofa*

Deciphered -=ViceRylle=-Where stories live. Discover now