"Manager!"

"Raven anjan ka na pala. Kakatapos lang ng curettage ni Dallen."

"What? Curettage?" What the hell! "Where's Mom?"



Sinundan ko sya, nakita ko si Mom na naka upo sa isang upuan sa hallway. Nilapitan ko sya na obvious na umiiyak. "Ma?"

Hindi sya sumagot. She remain crying and crying and crying and crying. Damn! Pumasok na lang muna ako sa kwarto ni Dallen. Tahimik sa loob habang si Ate andun nakahiga sa kama. Nilapitan ko sya at saka ko lang napagtanto na gising pala sya.

"Ate" I tried to get her attention pero parang wala lang ako dito; parang wala syang narinig. Tulala lang sya na nakatingin sa may bintana. Nakailang minuto ko lang din syang tiningnan at unti-unti ring nagtutubig yung mata nya. She's crying without any sound or sob.

Na saktan din sya sa nangyari. Parang noong nakaraan lang nangyari na ito sa kaibigan kong si Mia. Si Ate ang may dahilan noon kung bakit nangyari yun tapos ngayon, sa Ate ko naman. "Ate.." Hindi ko alam yung sasabihin ko kasi baka mas masaktan pa sya.

Sumasakit lang ulo ko dito! Lumabas ako uli at si Mom naman nilapitan ko. Tinabihan ko sya sa pagkakaupo.

"I can't believe that this will happen to her." Humahagulgol na sabi nya. "Hindi ko na alam yung mga nangyayari sa kanya. Kasalanan ko ata to Raven."

I rubbed her back. "No, you're not responsible for this."

"If I'm not, who? The guy who impregnant my daughter? Who is he by the way? I don't know! Wala akong alam! Wala akong kwenta! I don't know anything about Dallen." Mas lalo pa syang humagulgol

Hindi nya dapat sinisis ang sarili nya. May kasalanan din naman ako kasi hinayaan kong magsekreto yung dalawang yun kay Mommy. Tama, kasalanan talaga ito ni Max ang gag*ng yun! Binutis ang ate ko! Damn! twelve weeks na buntis na si Dallen. Nalaman ko yung tungkol sa kanila mga isang buwan na ang nakakalipas.. Ibig sabihin.. Nung dumadalaw si Max sa amin may kung ano nang nangyari sa kanila?! Ibig sabihin din hindi totoong hindi sinasaydang nagpakasal sila sa Las Vegas(nakwetno na sa akin ni Dallen yung totoo dati).

Bwiset.. Humanda sya sa akin.

Tinawagan ko sya. Nakailang ring din bago nya sinagot. [Hello?] Mukhang bagong gising ang boses.

"Na saan ka?"

[Raven? Wag mo sabihing may ipapabili ka na naman? Pre, natutulog yung tao.]

Ang putek! "May gana ka pang matulog jan. Hoy, si Dallen nasa ospital ngayon."

[What?! Na saan syang ospital?]









<3

Max' POV



Hindi na ako nakapagbihis pa ng matino. Basta na lang kinuha ko yung susi ng sasakyan ko at nagmamadaling umalis.

"Anak, saan ka pupunta?!" Narinig ko pa yang sigaw ni Mama pero hindi na ako nag-abala pang sumagot. Pinaharurot ko na yung kotse papuntang ospital.

Hindi ko alam yung nangyari. Parang kanina lang magkausap kami sa phone, sinabi pa nya na wala namang sakit yung Mommy nya. Tapos napanuod ko pa yung prescon nya kanina. Bakit ngayon nasa ospital na sya?

I asked Raven what happen but he ignored me. Basta binigay nya na lang yung room number.

Finally! Bumaba na ako ng kotse ko at nagmamadaling pumasok sa loob. Nasa third floor daw yung kwarto kaya naghagdan na lang ako. Marami akong nadaanang pinto hanggang sa makarating ako sa dulo kung saan nakatayo si Raven sa tapat ng pinto. I assumed that this room is hers.

Papasok na sana ako pero pinigilan ko ni Raven. "Bakit?" Tanong ko pa.

"Damn you!" Saka parang dumagundong yung paligid ko o sadyang yung bungo ko lang. Tangna sinapak ako ni Raven. "Kasalanan mo 'to."

"Ano bang--"

"Nabuntis mo si Dallen!"

Napanganga ako sa sinabi ni Raven. Buntis si Dallen? Pero matagal na yun at walang nababanggit si Dallen sa akin. Tapos noong isang araw lang...

"Alam mo bang nangyari sa kanya ang nangyari kay Mia? Probably, she's now blaming herself and thinking that everything that happened is her Karma."

Wala akong masabi. Wala akong alam.

Galit na galit si Raven. Paulit-ulit nyang ibinubulong ang "Binuntis mo sya." sa akin hanggang sa may lumabas sa pintuan.

Pareho kaming natigilan ni Raven. "What?!" Si Ma'am Emma yun, ang mommy nila Dallen. "Max, ikaw?" Nakita kong naluluha na sya. "Ikaw?! Ikaw ang ama ng bata? Max... I know you. You don't like my daughter don't you? Pero bakit?! Wala akong alam na may kung anong namamagitan sa inyo ng anak ko. And for pete's sake she's older than you! Umalis ka na."

"But Ma'am.." Ano bang sasabihin ko. Bakit ako nasa sitwasyon na ganito? "I love your daughter. I do.. And I don't want to leave her."

"Max, I'm sorry but you're not good for Dallen. Umalis ka na. Pag nalaman ito ng media gugustuhin no bang madawit ang pangalan mo? Gugustuhin mo bang masira ang ang imahe ni Dallen sa maraming tao?"

Ayoko, ayoko. "But she's my wife!"

Natahimik si Ma'am Emma. Gulat na gulat sa sinabi ko. Maski ako nagulat sa sinabi ko pero kailangan kong sabihin yun kasi yun ang totoo.

"Umalis ka na dito Max." Singit ni Raven. Lumapit sya kay Ma'am Emma. "Ma, let's go home."

"No hindi ako aalis hanggat hindi ko nalilinaw ang sinabi ni Max. Anong sabi mo? My Dallen.. Your wife?"

"Ma, sasusunod na lang natin pag-usapan yan."

"Do you know about this, Raven?" Tumango naman si Raven na halatang nahihiyang hindi nya sinabi sa ina.

"All this time pinagmukha nyo akong tanga? Ako ang ina nyo! Ako na lang ang magulang nyo pero ano ito? Wala kayong sinasabi sa akin."

"I'm sorry Mom but.."

"Kelan pa kayo kasal?" Sa akin naman sya nakatingin.

"Around four months."

"Gawd! Wala akong alam." Napapikit si Ma'am Emma at napahawak sa batok nya. "Umalis ka na. Hindi ka nya kailangan. Please get lost."

Wala akong nagawa kundi umalis. Bakit ganito na ang nangyayari? Bakit napapasama pa lalo? Kailangan kong makita si Dallen.. Gagawa ako ng paraan para makausap ko sya uli.





----<3



Eh?!

Dallen's Sweet KarmaWhere stories live. Discover now