Dilemma

781 24 3
                                    

*Arielle's PoV*

Last 5 days na lang bago mag-sembreak!

Omygash!

Konting push na lang Arielle! Pasahan na lang ng final requirements ang gagawin mo! Keri mo yan!

Inayos ko na yung mga paperworks na kailangan kong ipasa para sa ngayong araw.

I took a glance on the mirror to check kung ok naman yung ayos ko.

Ayos naman. Hahahahaha

Bumaba na ako, it's almost 10 na di pa rin ako umaalis sa bahay, ewan ko ba kasi kay Clyde hindi nagtetext!

Pababa na ako ng hagdan ng muntikan na akong matapilok.

"What are you doing here!?" Sigaw na tanong ko.

"Goodmorning din sayo Arielle" sabi ni Kat, tsk sarcastic!

Natawa na lang sila Ellena at Nadia habang nakaupos sa couch namin.

"Bakit nandito kayo?" Tanong ko.

Napahawak si Nadia sa dibdib nya.

"Ouch! Parang ayaw mo namang nandito kami" malungkot na sabi nya.

-__________________-

"Pasahan kaya ng requirements ngayon tapos nandito kayong tatlo sa bahay!" Sigaw ko.

Nasa hagdan pa rin kasi ako eh, medyo malayo sila. Hahaha.

Feeling ko tuloy may hindi magandang mangyayari ngayon.

Tsk.

"Ang lakas ng sigawan nyo, natutulog pa yung kuya mo" sabi sa akin ni mama.

"Tulog pa si Kuya?!" Gulat na tanong ko.

Maghapon kaya syang natutulog kahapon! Nakakaloka!

"Inumaga na ng uwi galing bar, hay nako. Ipapadala ko ulit yan sa U.S eh" sabi ni mama habang naglalagay ng pagkain sa center table ng sala.

"Kumain muna kayo" sabi ni mama sa tatlo.

Aba syempre dahil pagkain yun, hindi na tumanggi yung tatlo.

Bumaba na ako at nakikain sa kanila.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Wala naman" sagot ni Ellena sabay subo ng sandwich.

Sabay namang umiling si Kat at Nadia.

Napasingkit yung tingin ko sa kanila, meron talagang weird eh.

Maya-maya bumaba na si papa, ang laki ng ngiti nya eh.

Ano bang meron?!

"Good morning girls" bati ni papa sa amin.

"Goodmorning papa/ goodmorning po" sabay naming bati.

May nilapag na maliit na box si papa sa center table.

"Dahil tapos na yung finals mo, here's my gift" nakangiting sabi nya.

Box?

Baka naman bracelet yan or necklace?

Kinuha ko yung box

"Thanks pa" sabi ko.

Nakaabang naman yung tatlo kung bubuksan ko ba o hindi yung box.

"What?" Tanong ko.

Natawa si papa.

"Buksan mo na kasi" sabi ni papa sa akin

Dear Crush, [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora