Unsaid

1.4K 37 4
                                    

*Arielle's PoV*

ayos na lahat and i'm good to go!

tinignan ko yung wallclock ko, wooh 4:30 pa lang -_____-

*rings...rings...rings*

Impakto calling...

"Hello?" sabi ko.

["baka gusto mo ng bumaba dyan sa kwarto mo?"] inis na tanong nya.

sumilip ako sa bintana nakita ko syang nakasandal sa sasakyan mukhang kanina pa sya dyan.

"eto na, magpapaalam lang ako kila mama" sagot ko.

["bilisan mo"] sabi nya tsaka binaba yung phone.

dumaan ako sa kwarto nila mama tas nagpaalam, alam naman na nila na aalis ako ngayon eh.

lumabas na ako at sumalubong sa akin yung lukot na lukot nyang mukha.

"napakabagal kumilos! akala ko nakagown ka sa sobrang tagal mo magayos eh" inis nyang sabi.

"sorry na" sabi ko.

"paarbor naman" nagulat ako sa sinabi nya.

"anong aarborin mo?!" tanong ko. tinignan ko yung suot ko. naka shorts lang ako, blue hoodie tas rubber shoes.

"yung hoodie mo" flat nyang sagot.

"ayoko nga!" sagot ko.

"edi wag kang sumakay sa sasakyan ko, sumabay ka dun sa nakabus samahan mo yung bestfriend mo dun" sabi nya tas ngumisi sya.

bwisit na to! lagi nyang sinasabi na bestfriend ko yung butiking muse na yun, kaasar eh.

hinubad ko yung hoodie ko tsaka ko binato sa mukha nya. wala ako sa mood makipagasaran ngayon eh.

ngiting tagumpay naman yung impakto. sumakay na sya sumunod naman ako.

"bago lang to?" tanong ko. mukhang bago yung sasakyan nya eh. Ford Ranger na black.

"luma na to di lang nagagamit ng madalas,binigay ni mama sa akin" sabi nya. RK talaga netong impaktong to.

may kinuha sya sa back seat tsaka binato sa mukha ko yung checkered nyang polo.

"yan gamitin mo pag nilamig ka" sabi nya, tsaka inistart yung engine.

"salamat ah" sagot ko.

tinali ko muna sa bewang ko yung polo nya.

tahimik lang kami papuntang school, dun kasi muna magkikita kita para sabay sabay na umalis papuntang batangas.

5:00 nasa school na kami, nandun na din sila Kat, kasabay namin sila.

"wow couple shirt pa kayong dalawa ah" sabi ni Nadia.

kumunot naman yung noo ko, anong couple shirt?!

napatingin ako sa damit ni Clyde. nakaplain white shirt sya.

napatingin ako sa suot ko.
nakaplain white shirt din ako.

ANAK NG PALAKA!

"ayiee pinagusapan nyo talaga yung susuotin nyo ah" sabi ni Ellena.

"di ko alam na naka white din sya!" sabi ko.

"wooh defensive" sabi ni Kat.

maya maya lumapit si Clyde sa amin, dala dala nya yung hoodie ko.

"nasaan na si Alex?" tanong nya.

"kasabay natin sya?" tanong ko.

tumango sya tsaka sinuot yung hoodie ko.

Dear Crush, [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora