DC#70

1K 27 2
                                    

Dear Crush,

hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nababasa mo talaga 'tong mga letters ko para sayo.

sobrang nakakahiya yung mga sulat ko!

kaya sobrang thankful ako na hindi mo talaga nababasa.

ikamamatay ko siguro kapag nalaman kong nababasa mo pala yung mga sulat ko.

mga kagagahan ko lang yung nakasulat dito eh -_____-

tago naman 'tong app na 'to.

konti lang yung users.

kaya kampante akong hindi mo mababasa 'to :)

anyways highways.

ibabalik ko na yung hoodie mo, siguro sa monday, pag nakasalubong kita or ipaabot ko na lang kay Nadia.

hindi ko kayang lumapit sayo kasi sobrang lakas ng epekto mo sa akin!

nagiging gelatin yung tuhod ko.

may nagwawalang kung ano sa tyan ko.

yung ngiti ko hindi mapigilan.

yung puso ko parang tatalon na palabas ng rib cage ko eh.


hayssssss.

simula nung naging human panyo ka sa tagaytay,

feeling ko mahuhulog na talaga ako and guess what, sahig yung sasalo sa akin -____-

expected ko na yun.

kalimutan mo na yung nangyari sa tagaytay, hindi talaga ako iyakin baka kasi isipin mo na sobrang iyakin ako at mahina.

sobrang nasaktan sa sinabi ni impakto, sinampal nya sa akin yung katotohanan,

na hindi mo ako magugustuhan.

Love,
Arielle Marie

Dear Crush, [COMPLETED]Where stories live. Discover now