Tinamaan

1.7K 54 2
                                    

*Arielle's PoV*

this is it! pancit!

PE namin ngayon! anak ng tinapa! Volleyball pa!

nagiisip ako ng magandang excuse para di ako maglaro. nakakainis naman tas kaklase ko pa si Drei! oh di ba ang galing?!

Kat Calling...

"Hello"

["asaan ka na ba?!"] sigaw ni Kat sa kabilang linya.

"naglalakad" sagot ko.

["DI KO TINATANONG KUNG ANONG GINAGAWA MO! TINATANONG KO KUNG NASAAN KA NA?!"]

buti na lang nalayo ko na yung phone sa tenga ko. woooh basag sana eardrums ko.

"nasa school na ako naglalakad" sagot ko.

*toot...toot*

binabaan ako -________-

ang galing.

binilisan ko yung lakad ko kahit feeling ko sobrang bigat ng paa ko. sa lahat ba naman ng pwedeng gawing sport ngayong sem volleyball pa?!

ugh.

pwede bang cheerleader na lang ako?

kahit nga waterboy pwede na eh?

basta ayokong maglaro!!!

may trauma kasi ako sa Volleyball, hindi naman as in trauma na ikamamatay ko pero after noong natamaan ako ng bola sa mukha kahit nakaupo lang ako sa gilid, ayoko na ulit humawak or maglaro ng Volleyball.

"you're late" sabi nung prof ko.

tuloy-tuloy lang ako papunta kila Kat.

"akala ko wala ka ng balak pumasok eh" sabi ni Nadia.

"ayoko talagang pumasok ngayon" sabi ko.

"nako nako dapat nga excited ka kasi classmate natin si Drei" sabi ni Ellena.

tipid lang akong ngumiti.

pansin kong tahimik lang si Kat.

beastmode kanina eh.

"First Six! Arielle, Kat, Nadia, Ellena, Trish, Ann. kayo yung group A"

anak ng palaka talaga!!! kararating ko lang!!!

"this will be boys vs. girls ok" sabi nung prof.

"unfair naman po" sabi ko.

"ikaw pa talagang may ganang magreklamo ha, Arielle? gusto mong ibagsak kita?"

gahd! sarap nyang sipain sa mukha eh.

"boys! Alex, Drei, Jake, Luke, Jay, Carl. start in 5 minutes" sigaw nung boset na prof.

nyemas naman nakakainis talaga ayokong maglarooooooo!

kalaban ko pa si Drei! ugh!

ano ba naman yan!

magisip ka ng excuse daliiiii!

"ah ma'am meron p#@$&*"

"ano ba Nadia! ayoko maglaro huhuhuhuhu" sabi ko.

"magsisinungaling ka pa kay ma'am" sabi ni Kat.

"tignan mo nga, kahit ayaw kong maglaro ngayon, maglalaro pa rin ako para sa grades" sabi ni Ellena.

napa buntong hininga na lang ako.

nasimula na yung game. and well

nakatayo lang ako -______-

Dear Crush, [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt