Changes

1.4K 36 4
                                    

*Arielle's PoV*

Saturday na.

meaning walang pasok.

at eto yung araw na niyaya ko si mama na magpasalon, magpaganda, magshopping.

-__________-

may sakit na yata ako eh?

bwisit kasi yung impaktong yun! kahit di nya deretsong sinabi na pangit ako eh parang yun na rin yun eh!

ugh!

bamaba na ako, iisipin ko na lang na date namin ni mama 'to. bonding time kumbaga.

"Anak, may biglaang meeting kami sa office" salubong sa akin ni mama pagbaba ko.

"hindi mo na ako sasamahan?" tanong ko.

"imporatante yung meeting eh" sagot nya.

"edi next week na lang tayo magdate, dito na lang ako sa bahay" sabi ko.

"NO. eto yung atm ko, gamitin mo. magpasalon ka, mamili ka ng mga damit mo" sabi nya.

"mama naman eh" reklamo ko pero pinandilatan lang ako ng mata.

"fine" pagsuko ko.

"good, kung gusto mo magpasama ka kay Clyde" sabi nya at nginisian ako.

napapoker face na lang ako.

hindi kasi alam ni mama na hindi kami bati nung impaktong yun.

"maraming ginagawa yun" sabi ko.

"sila Kat" sabi ni mama.

"ako na lang mama, ka-date ko yung sarili ko" sabi ko.

ngumiti na lang sya sa akin at umalis na, mukhang nagmamadali talaga sya eh.

hays.

date with myself. wow.

lumabas na ako sa bahay, sakto naman naglalakad si Clyde sa tapat.

-___________-

nilampasan ko na lang sya. tsssss. di kami bati!

sumakay na ako ng taxi papuntang mall.

woooh sana wala yung tatlo sa mall

sale pa naman ngayon, tas malapit lang yung bahay nila sa mall. takte. sa ibang mall na lang kaya ako?

tsss wag na. sayang pera pamasahe.

pagdating ko sa mall, dumaretso agad ako sa salon. sabi kasi ni mama unahin ko daw 'to kasi saglit lang naman daw mamili ng damit compare sa pagpapasalon.

"goodmorning ma'am" bati sa akin ng babae sa front desk. tumango lang ako.

"may hairdresser na po ba kayo?" tanong nya

"wala pa po" sagot ko.

"ano po bang ipapagawa nyo?" tanong nya.

"magpapatreatment ako at haircolor" sabi ko.

"ay ma'am may promo po kami ganun din kaso may kasamang rebond po" sabi nya.

ano ba?!

haircut nga lang alam ko eh, sinabi lang ni mama na magpatreatment ako eh -_____-

tas trip ko magpakulay ng buhok.

"sige" sagot ko.

may tinawag sya.

at dumating yung bakla na magaayos sa akin.

"hi ateng! gaganda ka naaaaa" sabi nya ng pakanta.

Dear Crush, [COMPLETED]Where stories live. Discover now