DC#58

1.1K 24 0
                                    

Dear Crush,

alam mo bang napanaginipan kita?

kwento ko ah.

may College Night sa school, para syang prom tas required pumunta yung lahat kahit ayaw ko kasi wala namang nagyaya sa akin eh. ma-o-op lang ako kasi sila Kat may date tas ako wala. pero pinilit nila ako, kaya pumayag na ako.

nag spin the bottle pa kami, kung anong kulay yung matapatan namin yung kulay ng gown na susuotin namin. nagkataong white yung napunta sa akin. so mukha akong bride na shunga. kahit ayoko yung kulay bumili pa rin ako ng white gown, mukha ngang pangkasal eh. maganda yung gown syempre para pag nakita mo ako, pari na lang yung kulang pwede na tayong ikasal. hihihi.



college night na, so ayun nagpunta ako dun kahit wala akong date, ok lang naman magpunta ng wala kang kasamang date kaso valentines day yung college night tas forever alone ang peg ko.

napagtripan na naman nila ako at hinila ako ni Ate Karen sa stage para kumanta, una tumanggi ako kasi nakakahiya pero tinulak ako ni Clyde tas nakita pa kitang nakatayo, nalaman ko din kasi gusto mo yung babaeng mahilig kumanta kaya it's my time to shine. woooh, ayun nga kumanta ako, Enchanted by Taylor Swift.

Pag-akyat ko sa stage, kitang kita ko lahat ng tao pati ikaw, pati na rin yung crush mo -____-

biglang nag play na yung banda. so kumanta na ako. nagpalakpakan yung mga tao pero ikaw nakatayo lang.

nagsimula ng sumayaw yung iba. partner by partner.

tapos umalis ka sa kinatatayuan mo at lumapit ka sa crush mo :(

inaya mo syang sumayaw! :(

parang dinudurog yung puso ko habang kumakanta ako.

kitang kita ko kayo na masayang nag-uusap. nakangiti ka, tumatawa sya, ang saya nyo.

nasa isip ko lang nun yung gusto ko ng tapusin agad yung kanta para makaalis na ako, naiiyak na ako nun buti na lang nakakakanta pa ako.

nung kinanta ko na yung last part na...

Please don't be inlove with someone else...

Please don't have somebody waiting on you...

kasabay nun yung pagpatak ng luha ko. kasi nakita ko kayong magkayakap.

tas nagising na ako.

nagising ako na para bang totoo yung panaginip ko, may luha din yung mata ko, ramdam na ramdam ko yung sakit (?)

basta yung empty feeling sa dibdib or puso mo, naramdaman mo na ba yun?

ayoko na ulit managinip ng ganon :(

natanong ko tuloy sa sarili ko.

crush lang yun, pero bakit ako nasasaktan?


Love,
Arielle Marie

Dear Crush, [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon