let the games begin

1.4K 34 2
                                    

*Clyde's PoV*

sumasakit yung ulo ko sayo Arielle!

napahilamos na lang ako sa mukha ko. gusto ko ng makipagbati sa kanya kaso paano?!

hindi ako yung tipo ng tao na humihingi ng sorry.

ewan ko ba?!

Calling Alex...

"Alex" bati ko.

["yo, napatawag ka?"] tanong nya.

"nasaan ka?" tanong ko.

["sa bahay"] sagot nya.

"punta ka dito sa bahay, samahan mo ako" sabi ko.

["bro naman, bata pa ako"] natatakot na sabi nya.

"gago! pumunta ka dito!" sabi ko bago ibaba yung tawag.

matagal ko ng gustong mag sorry kay Arielle, kasi alam kong nahihirapan din sya sa set-up namin sa tropa, magkakasama kami tas hindi kami naguusap.

tssss.

kasalanan ko naman eh, kaya ako dapat yung magsosorry.

kailangan ngayon na ako magsorry, mamayang gabi or hapon siguro.

dapat kasi kahapon pa ako magsosorry, aayain ko sana syang mamasyal, pupunta sana kami ng Enchanted Kingdom, kaso nung nakita ko syang lumabas ng bahay nila kahapon bigla akong naduwag.

tsk ang bakla naman Clyde!

nilampasan lang nya ako kahapon eh, ang cold ng tingin nya, tagusan parang di nya ako nakita. takte.

*ding...dong...ding...dong*

lumabas na ako, si Alex.

"bro bakit ba?" tanong nya pagkapasok sa gate.

"tulungan mo ako" sabi ko.

"sige basta wag ka lang mangungutang sa akin" sagot nya.

napaface-palm na lang ako.

daredaretso sya paupo sa couch namin tsaka pinatong yung paa sa center table.

napaka feel at home.

"anong plano?" tanong nya.

"hindi ko alam" sagot ko.

"bro naman! magsosorry ka lang eh!" sigaw nya.

"hindi ako bingi" bagot na sabi ko.

"gusto mo ba may surprise pa?" tanong nya.

"anong pwede ba?" tanong ko.

"bro, kayo ba ni Arielle?! parang LQ kayo kung makapagsorry ka ng ganun ah" di makapaniwalang sabi nya.

"gago, iba kasi si Arielle" sagot ko.

"paanong naiba si Arielle?" natatawang tanong nya.

"basta, iba sya" inis na sagot ko.

nginisian lang nya ako.

nagdial sya sa phone nya.

"Hello Nadia, may tanong ako...bad mood ba si Arielle ngayon?...ano ba yan?! oo nga! magkasama kami...pupunta kami dyan mamaya...oo! wag mong sasabihin kay Arielle, bye"

"alam ko na bro" sabi nya sabay tayo sa upuan at lumabas.

"saan tayo pupunta?" tanong ko.

"rich kid ka naman di ba?" tanong nya.

nagpokerface na lang ako.

sumakay na ako sa sasakyan nya.

papunta pala kami sa mall.

Dear Crush, [COMPLETED]Where stories live. Discover now