DC#69

1K 23 0
                                    

Dear Crush,

buong buhay ko hindi ko nakita yung sarili ko na gumastos para lang magpaganda.

may igaganda pa ba ako?


feeling ko standard na 'tong mukha ko eh.


simpleng hindi pansinin.

-_________-


nung sinabi ko kay mama na gusto kong magpaayos or magpaganda. aba! tuwang tuwa akala mo nanalo sa lotto.

tinanong ko sa kanya kung bakit kailangang maging maganda para mapansin ng iba.

sabi ni mama,

parang pangalan lang ng pagkain sa menu ng isang mamahaling restaurant yung physical beauty...

maganda pakinggan pagbinigkas at mahal.

pero hindi naman natin alam kung masarap ba talaga.

nung una hindi ko talaga gets yung sinasabi ng mama ko.

pero naintindihan ko din naman HAHAHAHA.

pangtawag pansin lang yung pangalan or yung ganda pero yung main course or pagkain na mismo yun na daw yung pagiging totoo sa sarili mo.

ano na naman bang pinaglalaban ko?

wala lang. ayoko kasing sabihin kila Kat na magme-makeover ek ek ako, kasi naman yung mga babaeng yun tinatanong kung anong nangyari sa tagaytay, hindi na lang ako umiimik.

lately talaga ang tahimik ko, ang cold ko sa kanila pero lahat yun acting lang.

kasi ayoko talaga munang pagusapan yung nangyari sa tagaytay.

pero gahd!

mas gusto ko silang kasama.

bahay-school lang yung routine ko simula nun eh.

wala ng gala-gala :(

pero kakausapin ko din naman sila...

pati yung impakto...


sa tamang panahon.

HAHAHAHA

kelan kaya darating yung tamang panahon para sa atin?

HAHAHAHA charaught!

Love,
Arielle Marie

Dear Crush, [COMPLETED]Where stories live. Discover now