Alanganin akong tumango at napatingin sa nakakainis na lalaking ito! Nakatingin siya sa akin habang nakangisi. Ugh! Nakakainis ang ngisi niya ang sarap burahin. Mas nakakainis pa ito kay Rafael Montefalco eh.

"Hindi ko alam ang sinasabi ng pinsan mong matabil ang dila, paki sabihan!" Matapang kong sabi habang nakatingin parin sa lalaki.

"Thunder, let's go! Mamaya na tayo magbayad. Umayos ka nga!" Patuloy siyang hinihila ng pinsan niya pero hindi ito nag patinag.

So, Thunder pala ang pangalan ng papansin na ito!

"Stop it, Rain! We're here already." Masungit na sagot niya at inalis ang kamay ng pinsang niyang nakahawak sa braso nito.

Ngumiwi si Rain at napatingin ulit sakin. "Pag pasensyahan mo na." Bumaling siyang muli sa pinsan niyang si Thunder. "Pansin ka talaga diyan e no?! Tsk. Sumbong kita kay Kuya Raf!" Ismid ni Rain.

Umiling nalang ako at hindi na sila tinignan. Masasayang lang ang oras ko sa dalawang ito! Pero nabahala ako sa sinabi ng Thunder na ito, paano niya nalaman na may gusto ako kay Eion? Ganun na ba ako kahalata, kaya pati ibang tao nahahalata na rin?

Mabuti nalang at turn ko na upang mag bayad kaya binilisan ko na upang makaalis na ako sa lintik na pila ng cashier na ito! Malaki naman itong Xavier at sana hindi ko na ulit makita pa itong Thunder na ito. Like Rafael Montefalco, nakakatakot siya.

After kong makapag enroll. Nag simula na akong pumasok sa una kong klase, hindi naman masama ang schedule ko ngayon dahil madami akong vacant hours! That's means. I have a lot of times to see my dearest Eion.

"Oh my goooosh! Storm baby!!!!"

Napabalikwas ako ng upo ng marinig ko ang isang tinig ng babae na nagsusumigaw paasok ng classroom. And she's very familiar to me, together with the guy behind her. I met them earlier at the cashier. Great! Classmates ko sila?

"Ugh! Ang clingy na si Rain." Dinig kong reklamo ng katabi kong lalaki. So, siya si Storm?

Malamang, lumapit ang dalawang taong kakapasok lang ng classroom sa taong katabi ko. Just great again! There's a lot of vacant chairs here in my side. Okay lang sana kung yung si Rain ang umupo, huwag lang itong Thunder na ito. I don't like his aura. Mabuti naman at hindi pa nila ako masyadong napapansin!

"Wow! Meant to be talaga tayo, Baby Storm." Malambing at malakas na pagkaka sabi noong si Rain. How I wish, ganyan ako kay Eion. How I wish, ganyan ako ka vocal para sa nararamdaman ko para sakanya.

"Ang oa mo talaga, Rain! Malamang parehas tayo ng course at year. Wag kang ano diyan!" Dinig kong sabi noong si Storm.

I smiled then I shook my head. Mukhang medyo suplado din itong si Storm ah! Lahat na yata ng lalaking nakakasalamuha ko ay puro suplado. Uso ba ngayon iyon?

"Yipee! Tabi tayo sa upuan ah? Dito na ako! Miss patabi..." Hyper na sabi niya at kinulbit ako.

Humarap ako sakanya then I saw in her pretty face ang pagka shock. Oh well. Small world! Pero alam kong kanina pa ako napansin nitong si Thunder at batid ko ang kanina niya pang pagtitig sakin but I just ignored it.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now