I Meant It When I Said, 'I Do.' - FINAL CHAPTER

3.8K 149 14
                                    



Napabuntong-hininga si Earl nang tuluyang maiparada ang kotse. Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib. Pakiramdam niya'y namamaga ang loob niyon at nahihirapan siyang huminga.

Mahigit isang buwan na siyang umuuwing mag-isa sa bahay na walang sinumang dinaratnan. Everyday is like a torture... It's unbearable. And he's deeply surprised that he is still breathing up to this moment.

Napatitig siya sa parking lot. Tumaas ang sulok ng labi niya nang maalala ang galit na mukha ng babaing siyang laman ng puso't isipan niya. He can't believe she actually kicked the bumper of his car. Didn't she even think it was made of steel?

Natawa siya ng wala sa oras. Typically Veronica. Saka bigla siyang natigilan. And just as he knew it, he was filled with emptiness again.

Mabigat ang paang tinungo niya ang unit. Dapat ay masaya siya. His mother's well. And his Dad is taking care of her. She recovered fast. And he never saw his Mom and Dad that happy. He should be celebrating. Nakaya din niya ang pamamahala sa kompanya sa kabila ng lahat ng problemang dumating sa kanya. His Dad's so proud of him.

Pero bakit nagtutumining sa puso niya ang kahungkagan? Bakit ba kapag si Veronica ang nawala, kahit kailan hindi mapupunan ng kahit na anong saya ang lungkot na nararamdaman niya?

He can only be glad that she's well. She's in good health. She's fine. And she doesn't need him. May kumurot sa puso niya sa huling naisip. Kumusta na kaya ang asawa? She might have moved on... while he was left behind. Muli siyang nagpakawala ng buntong-hininga nang mapatapat sa pinto ng unit. He should give this up. The whole place reminds him of her. How can he move on? Besides, igi-give up naman talaga niya ang unit na ito. The house he built for his family is finished. It was the house he promised he'll build for her. He just needed his wife and he'll move in.

His wife...

Napaatras siya bigla. Nagulat siya nang makitang bumalik sa dati ang ayos ng bahay. It was like his old pad again. Wala na ang nakasabit na wedding picture nila. Bumalik na ang painting na nakasabit doon dati. Ngunit mas natigilan siya nang makita ang asawa papalabas ng silid.

Naka-t-shirt at maong pants ito. Walang make-up. Nakapusod ang mahaba nitong buhok at may ilang hiblang naka-ipit sa tenga nito. She looked lifeless... but she's still beautiful. Nakatuon ang atensiyon nito sa hawak na listahan.

How he missed her...

Kung ilang minuto siyang itinulos sa kinatatayuan, hindi niya alam. Tinitingnan niya ang bawat galaw nito. Ang bawat paghinga, ang pagkibot ng bibig, pagkurap ng mata, ang pagkunot ng noo. Saka bigla itong natigilan nang makita siya. Walang gumalaw sa kanila. Nakatitig lang sila sa isa't isa.

Tumikhim ito. "I-I put things back, as promised," anito saka unang nagbawi ng tingin. "I'll send someone to pick up my stuff. And... And..." Napayuko ito. Saka tiningnan siya ulit. "I'm setting you free, Earl. It's officially over now. Hindi na natin kailangang magpanggap. I already consulted a lawyer and he'll bring the annulment papers tomorrow. I'll just keep you posted." Dagli itong naglakad papunta sa pinto. Yuko ang ulong nilamapasan siya nito.

"A-Annullment?" parang punyal iyong tumarak sa dibdib. Napasunod ang tingin niya sa asawa. Gusto niyang kumustahin ito. Gusto niyang malaman kung totoong okay ito. Kung galit pa ito sa kanya... Kung kaya ba nitong patawarin siya.

"Yes, I'm giving you what you've always wanted since we married."

Matagal bago siya nakasagot.

"When I said my vow I meant it," mahinang sabi niya.

Natigil ito sa paghakbang at napalingon sa kanya. Nag-uunahang pumatak ang luha. Saka ngumiti ng mapait. Pakiramdam niya ay may kung ano'ng bakal ang pumipiga sa puso habang nakatitig sa asawa.

I Meant It When I Said, 'I Do.'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon