I Meant It When I Said, 'I Do'. - CHAPTER 7

2.1K 70 0
                                    




Natigilan si Earl sa pagsasalita nang bigla siyang niyakap ng asawa. Lahat ng galit niya biglang nabura at napalitan ng pagkataranta.

Napabuga siya ng hininga. "Oh, for goodness sake, stop crying." Who would not be mad with what she did? Unang beses siyang umuwi ng maaga at halos namuti ang mata niya sa kahihintay rito. He was freaking out because she did it again, she made him feel that awful feeling of losing her.

"I c-can't," anitong sumigok at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. "It's probably the wine. I just feel so sorry."

Paulit-ulit itong nag-sorry habang humihikbi. And it tears him apart each time she sobs. Parang may sariling isip ang mga kamay na humagod sa likod nito. Kanina'y halos mabaliw siya sa kaiisip kung nasaan ito. Akala niya'y nagpasya na itong iwan siya at bigla siyang nakadama ng takot sa dibdib. Alam niyang dapat siyang maalarma dahil hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito sa taong kinamumuhian niya. Ni hindi pa siya nakakapagsimula sa planong paghihiganti. Subalit sa tuwing nasa malapit ito'y kusa nitong ibinabalik ang emosyong matagal na niyang pinatay sa dibdib.

"I'm sorry," sabi ulit nito. Nanginig lalo ang labi nito sa pagpipigil na umiyak at napatingin sa kanya. Pinigilan niya ang sariling yumukod para halikan ang luha nito kagaya ng madalas na ginagawa niya noon kapag nakita niya itong umiiyak. He should not feel anything but he felt like hell for depriving himself of comforting her.

"Let's go home," aniya. Tumango ito sabay pahid ng luha at lumulan ng kotse. Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan. Napabuntong-hininga siya nang masulyapang panay pa rin ang tulo ng luha nito na kaagad nitong pinapahid ng kamay.

"Here," abot niya sa panyo.

"Thank you," anito at kinuha ang panyo. Namumula ang mata't ilong nito at bumibigat lalo ang pakiramdam niya habang panay singhot nito.

"Come here," sa wakas ay sabi niya.

Nagtatakang napatingin ito sa kanya. Hinila niya ang kamay nito para mapalapit ito sa kanya pagkuwa'y kinabig ang ulo nito para isandal sa dibdib. Naramdaman niyang yumakap ito sa bewang niya. Hinaplos niya ang buhok nito sabay kintal ng halik sa ulo nito.

"It's okay," alo niya. "I'm not mad anymore." Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Somehow it didn't feel like he's comforting her but the other way around. He remembered how good it felt holding her this close. He remembered how happy he was just being with her and how he missed her that his heart ached. Gumuhit ang pait sa dibdib niya.

Nang makarating sila sa condo ay payapa na ang paghinga nito. Tuluyan na nitong nakatulugan ang pag-iyak. Maingat niyang ikinalas ang sarili sa pagkakayap nito. Umibis siya ng kotse at binuksan ang passenger's seat at maingat na binuhat ang asawa patungo sa silid nito. She stirred when he laid her down her bed. Matagal siyang nanatili sa tabi nito. Hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang pisngi nito. After all that has happened, after all the hatred, why does he still want to be with her?

Was it a dream? Namimigat ang ulo ni Veronica pagkagising pero hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa panaginip. Kinapa niya ang kama. Nadismaya siya nang maramdamang wala siyang katabi. Why did it feel so real? Bahagya siyang nagising nang ilapag siya ng asawa sa kama. Tumabi ito sa kanya at nakatulugan niyang nakayakap rito. Panaginip lang ba talaga iyon?

Painot-inot siyang bumangon. Lalo siyang nadismaya nang makitang wala na ang asawa. It's Saturday morning and as usual, he is not home. Nagtimpla siya ng kape at napatunganga. Hindi niya pwedeng puntahan ang Papa niya dahil baka magduda na ito kung hindi pa rin niya kasama si Earl. Bigla siyang napapitik nang maalala ang sinabi ni Elaiza kagabi. She has to make this pad look more like home. Napatayo siya pagkatapos uminom ng kape at mabilis na nagbihis.

I Meant It When I Said, 'I Do.'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon