I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 12

2.3K 75 0
                                    


Pangatlong araw na hindi umuwi si Earl sa bahay. He hated to admit it but hell, he misses his wife. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan niya ngayon. At hindi makabubuting palagi niyang naiisip ang asawa. He just needed to stay focused. Pagkatapos nito'y haharapin na niya si Veronica.

Nagdial siya ng numero sa opisina.

"Hello, Sir!" anang sekretarya niya.

"Leah, can you send flowers to my wife?"

"Sure, Sir. Consider it done."

"Good. And put some sweet note." He heard her chuckled. Pero agad ding naging pormal ang

boses.

"No problem, Sir. Would that be all?"

"And tell my Dad to call me."

"He told me to pass this message, Sir. He said No."

Napabuntong-hininga siya.

"And also, Mr. Sandoval called and asked for the papers he should sign."

Napabuga siya ng hininga. Maraming nakabinbing trabahong iniwan niya. At isa na roon ang biyenan niya. Tiyak pagagalitan siya ng ama.

"It's on the left side drawer of my table. The one with the gray folder. Can you send it to him?"

"Yes, Sir."

"Thanks, Leah," aniya saka pinindot ang end button. He will deal with business later. Ngayon ay kailangan muna niyang tutukan ang mas importanteng mga bagay.

Nagpaka-abala si Veronica sa trabaho para pansamantalang makalimutan ang lahat ng bumabagabag sa isipan niya. Hindi niya kakayanin ang kahit isang minutong walang ginagawa dahil sinasalakay siya ng pangungulila at pangamba.

Bandang hapon ay nakatanggap siya ng isang dosenang puting mga rosas. Kahit papaano'y naibsan ang lungkot na nararamdaman niya. Lalo na ng malaman niyang galing iyon kay Earl.

I'm missing you, honey. Kinuha niya ang card na iyon at inilapat sa labi. Alam niyang hindi si Earl ang may sulat noon... But somehow, she wished he did. She always pretend that he did.

Pagsapit ng gabi ay mag-isa na naman siya sa silid. Niyakap niya ng mahigpit ang unan ng asawa at doon ibinaon ang ulo at impit na umiyak. Papaano ba niya makokontrol ang sariling damdamin? Papaano ba niyang maibsan ng kahit konti ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya?

Biglang nag-ring ang cellphone. Ang Papa niya.

Kinalma niya muna ang sarili bago sinagot iyon. "Hello, Pa?"

"Ma'am! Ma'am Veronica!" anang boses sa kabilang linya.

"Manang Nelia?" kinabahan siya agad nang mahimigan ang takot sa boses nito.

"Ma'am, inatake po ng puso si Sir! Nasa ambulansya po kami ngayon!"

Saglit parang hindi malaman ni Veronica ang gagawin. Mabilis siyang nagbihis at halos pinalipad ang kotse patungo sa ospital na kinaroroonan ng ama. Tinawagan niya si Dr. Dominguez na siyang doktor ng Daddy niya.

"Hold on, Dad... Please hold on... Oh God, please huwag muna ngayon." dalangin niya.

Pinigilan niya ang sariling luha. Kailangan niyang maging matatag para sa ama. Tinangka niyang tawagan si Earl ngunit hindi nito sinasagot ang cellphone nito.

Nang makarating siya sa ospital ay nasa emergency room na ang ama.

"Sorry, Miss, pero hindi kayo pupwede sa loob," anang nurse nang tinangka niyang pumasok.

I Meant It When I Said, 'I Do.'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon