I Meant It When I Said, 'I Do.' - CHAPTER 10

2.3K 63 0
                                    



"I can't wait for tonight!" excited na sambit ni Elaiza habang nag-aalmusal sila. "I'm sure they will love you, Veronica."

"What about tonight?" kunot-noong tanong niya.

"Oh my," nanlalaki ang matang tiningnan siya. "Are you saying you forgot the party?"

"Party?" Lalong tumindi ang pagkaka-kunot ng noo niya.

"Kuya?" baling nito sa kapatid.

Magsasalita na sana ni Earl nang saluin niya.

"Yes, the party! Sorry, Elaiza, my memory is not good at this point of day," aniyang ngumiti at lihim na pinukulan ng tingin ang asawa.

"It's just a welcome party for Elaiza. It's not really big," ani Earl.

Sumimangot ang kapatid nito. "The members of the board is going to be there, Kuya. It's gonna be big!"

Nagkibit-balikat lang si Earl. Ilang saglit pa'y tinapos na ng mga ito ang almusal at naghanda ng umalis.

"I'll see you later, Veronica," ani Elaiza at hinalikan siya sa pisngi. "Dad will pick me up from the hotel so I'll see you at the party."

"What's that party?" nanggigigil na bulong niya at kunwang inayos ang tie nito. "My God Earl--"

"I'll take care of everything," bulong nito. "I'll be home at four."

Magsasalita pa sana siya nang angkinin nito ang mga labi niya. He claimed her lips like he can't get enough of it. And Veronica can't help but kiss him back. Pakiramdam niya'y mapupugto ang sariling hininga.

"I'll see you later," bulong nito nang maghiwalay ang labi nila. Tango lang ang isinagot niya. She can still feel her lips throbbing from his kiss. Siguro'y dapat niyang linawin kay Earl na hindi nila kailangan mag-french kissing sa harapan ng kapatid nito.

Hindi makapag-concentrate Si Veronica sa trabaho. Wala siyang ginawa kundi ang tingnan ang oras. Nang sa wakas ay sumapit ang alas tres, nagpasya siyang magsarado na ng boutique. She needs to prepare. Ni hindi pa niya alam kung ano ang isusuot. She's used to parties. But this is the first time she's going to attend a gathering as Mrs. Veronica San Diego. And she just have to make a good impression lalo pa't mga investors at mga kasamahan iyon ng asawa niya sa negosyo.

Pagdating niya sa bahay, kaagad siyang naghanap ng maisusuot. Pinili niya ang black strapless sequined dress na binagayan niya ng four-inch black stilletos. Kaagad siyang naligo. Nang marinig niyang bumukas ang pinto, nakapag-blow dry pa lang siya. Hindi pa siya nakakapag-ayos! Inayos niya ang roba at lumabas ng silid para salubungin ang asawa.

Natigilan siya nang makita ito. He's wearing a tux. A very elagant tux. She's quite sure he could make the ladies giggle with how he looked. May kausap ito sa cellphone at naglalakad paroo't parito sa living room. Huminga siya ng malalim. There's no way her black dress would match his elegance. Kailangan niyang maghanap ng ibang isusuot. Sumenyas ito sa kanya nang makita siya. Pagkuwa'y pinindot nito ang end button at nilapitan siya.

"You should've warned me," aniya rito. "I don't have a dress that will match yours!"

"You'd look great wearing a sack, babe," anito.

"Ha-ha," inis na sagot niya. Naiinis siya dahil ayaw man niya'y nag-init ang pisngi niya sa papuri nito.

"Don't worry," anitong pinisil ang ilong niya. "I've got something for you."

Umigkas ang kilay niya.

Ilang sandali pa'y tumunog ang door bell. Kaagad iyong pinagbuksan ni Earl. Dalawang babae at isang binabae ang pumasok may dalang gowns. Napatingin siya kay Earl. Kinindatan siya nito.

I Meant It When I Said, 'I Do.'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon