I Meant It When I Said, 'I Do.' -CHAPTER 3

2.2K 67 3
                                    


"E-Earl?" gulat na sambit ni Veronica. Hindi niya maapuhap ang susunod na sasabihin. Bumilis bigla ang tibok ng dibdib.

"Expecting someone else?" anitong bahagyang umangat ang kilay.

"I-I thought you were busy," tanging nasabi niya. Hindi pa rin niya magawang pakalmahin ang puso. Hindi rin niya magawang alisin ang mga mata sa mukha ng binata. Nakapaligo na ito't nakapagbihis. Does he even know how good he looked in stripped tees? Na-conscious tuloy siya bigla sa sariling ayos. Kung bakit kasi nag-senti pa siya.

"Oh.. not for you, my dear fiancee," anito. Hindi nakalagpas sa tainga niya ang sarkasmo sa tinig nito. Ibinaling niya kaagad sa ibang direksyon ang tingin bago pa siya ipagkanulo ng sariling mga mata.

"Shall we?" untag nito nang tila mapako siya sa kinaroroonan. "I told your father we need to talk."

Kumunot ang noo niya. "R-Right now?" Kani-kanina lang ay halos ipagtabuyan siya nito palabas ng opisina nito. Ngayon, gusto na siya nitong kausapin? Tinapunan siya nito ng aburidong tingin. Alam na niya ang sagot nito sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. "But I have to change," aniyang pigil ang sariling pumadyak.

"You don't need to. Besides, I don't have time to wait for you."

Why does he have to be rude? Humaba ang nguso niya at walang nagawa kundi ang mapasunod rito. "You should've called," aniya habang pababa sila ng hagdan.

"I did. Ang Papa mo ang sumagot," balewalang sagot nito.

Naalarma siya sa narinig. "I hope he did not give you a hard time," aniya nang maalala ang huling pinag-usapan nila ng Papa niya.

"Believe me, I had worse," sagot nito.

Lihim na pinag-aralan ang bawat galaw nito. At bawat segundong lumilipas ay mas lalong tumitindi ang pagkabog ng dibdib. Parang sasabog iyon anumang oras. Nang papasok na sila ng living room ay ginagap niya ang palad nito at bumulong. "Smile."

Parang nanlambot siya nang mahawakan ang kamay nito. May kung anong kuryenteng gumapang mula sa kamay patungo sa buong sistema niya. Biglang nag-flashback ang nakaraan. May sumigid na sakit sa puso niya. It's the same warm hands that used to held her. When her heart was young and felt love for the very first time. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit pero pinigilan niya ang sarili.

"Can I borrow your daughter for a while, Sir?"

Nakangiti ang Papa niya habang nakatingin sa kanila na tila ba tuwang-tuwa. "Sure, you can."

"Don't worry, we won't be long," dagdag pa nito at bahagyang sumaludo sa Papa niya.

"Do whatever you want. No curfews," pahabol pa ng Papa niya.

"Bye, Pa," aniyang hinalikan sa pisngi ang ama saka kumapit sa bisig ni Earl palabas ng bahay.

Inalalayan siya nito palabas. Ngunit agad siyang binitawan nang makalabas sila ng pinto.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Somewhere private," anitong hindi niya alam kung pagod o sadyang aburido. Binuksan nito ang pintuan ng kotse para sa kanya. Agad naman siyang napasunod.

Wala silang imikan habang nasa loob ng sasakyan. Napatikhim siya. "Is there something wrong?" aniyang napatingin rito. Kunot ang noo nitong nakatuon ang buong atensiyon sa pagmamaneho.

"You'll know when we get there," sagot nitong hindi man lang siya sinulyapan. Napatango lang siya. Hindi na siya nito muling kinausap pa. Wala siyang nagawa kundi ang ibaling ang tingin sa labas ng bintana.

I Meant It When I Said, 'I Do.'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon