I Meant It When I Said, 'I Do.' -CHAPTER5

2.1K 62 0
                                    


Mabilis na lumipas ang isang linggo at dumating ang araw ng kasal nila. Walang imik si Veronica sa loob ng kotse. Kadarating lang nila sa simbahan. Nanlalamig ang palad niya at abot-abot ang kaba sa dibdib. The gown felt comfortable and she had light make up on. She looked so beautiful in the mirror but somehow, she felt uneasy inside. Now she knew what wedding jitters mean. Hindi niya matukoy kung ano ang nararamdaman niya. Every feeling seems to be at the extremes.

"You are the loveliest bride, hija," nangingislap ang matang sabi ng Papa niya. "You looked as beautiful as your mom." Ngumiti ito na tila ba naalala ang nakaraan ang gumuhit ang saya at pait sa mga mata. "She would have been so happy walking with you down the aisle, sending you off to Earl."

Ngumiti siya. She missed her mom so much. "I wish she's here, too. I want to hug her tight before I get married."

Ginagap ng Papa niya ang nanlalamig niyang palad. "But she's watching over us, hija. At alam kong masaya siya ngayon."

"Yeah," aniyang tumango-tango.

Niyakap niya ng mahigpit ang Papa niya. She could feel how much her father loves her. Pakiramdam niya'y nawala lahat ng nerbiyos na nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y yakap-yakap niya ang Mommy niya.

"Enough of this, we should be celebrating today!" anitong tumawa sa kabila ng pamamasa ng mata.

She fought back her own tears. Ngiti ang itinugon sa Papa. He's right. It's her wedding day. There should be no tears today. After all, she's going to marry the man she loves. And she owe that to her mom.

Pumailanlang ang tugtog ng piano, hudyat ng pagsisimula ng wedding entourage. Tila lumulutang si Veronica habang naglalakad patungo sa altar. Sumikdo ang dibdib nang masulyapan si Earl. He looked exceptionally handsome today. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi man ito nakangiti, hindi naman ito galit. Napalis lahat ng alalahanin sa dibdib niya. This wedding won't be a disaster after all, aniya sa sarili.

Pumailanlang ang malamyos na tinig ng wedding singer. Nahigit ni Veronica ang hininga habang nasa kalagitnaan ng altar.

You're my everything

The sun that shines above you

Makes the bluebirds sing

The stars that twinkle way up in the sky

Tell me I'm in love

Ngumiti siya. Yes, she is. Desperately.

Napansin niya ang bahagyang diin ng pagkakahawak ng Daddy niya at ang pagtaas-baba ng dibdib nito nang sa wakas ay marating nila ang kinaroroonan ng mapapangasawa niya. Nakita niya ang panginginig ng labi nito nang ibinigay nito kay Earl ang kamay niya't tuluyan siya nitong bitiwan. Earl did something she did not expect. He hugged him and whispered something that made her dad smile. Pakiramdam niya'y nahati ang puso. Nangilid bigla ang luha pero pinigilan niya ang sariling maiyak. Napahigpit ang hawak niya kay Earl, tila doon kumukuha ng lakas. Gusto niyang matawa sa sarili. It's so absurd. Kumukuha siya ng lakas sa taong kinasusuklaman siya ng husto.

Saglit na nagtama ang mga mata nila saka sabay na humakbang patungo sa altar.

Our first step in our journey towards forever, nangangarap na bulong ng puso niya na sobrang lakas ang tibok. You mean, first step towards hell! sarkastikong sigaw ng isip.

Nagsimula ang seremonyas ng kasal. Veronica savored every moment of it. Kinalimutan niyang parte lamang iyon ng kanilang pagkukunwari.

"Do you, Earl Simon San Diego take Veronica Marie Sandoval to be your lawfully wedded wife to love and hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, til death do you part?"

I Meant It When I Said, 'I Do.'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon