Kinuha naman bigla ni Ella ang Class schedule ko at binasa.
GARNET ADRIA VASQUEZ
DORMITORY ROOM 23
_________________________________________________________Session Faculty
I: Special Ability Professor Lloyd
II: Strength Argus
III: Royal Etiquette Lady Siony
IV: LUNCH
V: Special Power Ms. Ada
VI: History Master Launard"Great! Magkaklase tayo sa halos lahat except sa strength. Sa Potion building kasi ang schedule ng lahat na mga warlocks and witches." Sabi niya at ibinalik sa akin ang papel.
Tiningnan ko ulit ito at binasa ang pangalan ni mama.
"Hmmm... Nakita mo na ba ang bagong guro? Well nevermind you're also new here. I heard napakaganda niya. Madadagdagan na naman ng visual ang Faculty." Naglakad na kami papasok habang nagsasalita siya. Hinahayaan ko na lamang si Ella na magdaldal. Minsan binabati siya ng mga estudyante kapag nakikita siya at napapatingin naman sila sa akin. Bigla silang tatahimik kapag dadaan kami.
Daldal lamang ng daldal ang katabi ko habang ako naman ay nililibot ang paningin sa loob ng building. Napakalawak nito. May grand staircase ang nasa gitna katulad sa Dormitory. Sa ground floor ay puro lamang mga benches and tables. In short, tambayan ng mga estudyante. Sa second floor hanggang tenth floor naman ay mga classroom. Biglang huminto sa pagsasalita si Ella kaya nagtataka ko siyang tinignan.
"May problema ba, Ella?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Inirapan ko siya at sinundan kung saan siya nakatingin.
Nasa harapan namin ang isang estudyanteng babae na nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay na masamang nakatingin sa amin. Ngayon ko lang din napansin ang biglang pagtahimik ng mga estudyante dito sa ground floor. Lahat ay nakatingin sa gawi namin. Muli kong tinignan ang kaharap namin. Her beauty is unique and her presence demands attention and superiority. I think ka edad lang din namin siya but she's actually tall.
YOU ARE READING
The Lost Siarga
FantasyGarnet Adria Vasquez, an average teenage girl who loves reading and collecting books. Her most favorite are the fantasy books with magics, spells, extraordinary things that are not exist in reality. What if one day, three handsome boys ask her to co...
Chapter 7 | Real
Start from the beginning