Prologue

55 3 2
                                    

Si Sophie at Agatha ay dinukot ng School Master at dinala sa School for Good and Evil pero heto ako ngayon pinipilit ng tatlong lalaki na sumama sa mundo nila. Para ano? They need me raw.


"Come with us." sabi sa akin ng lalaki na sa tingin ko ang leader nila.


"NO!" He intently look at me. Mukhang naiinis na siya sa patuloy kong pag-ayaw sa pagyaya nila sa akin.


Bakit naman ako sasama sa kanila? Hindi ko sila kilala.

I have a strong feeling that I need to go with them but I just can't.


"You need to come with us. Our world is in danger and we need you." naging seryoso na ang lalaking palangiti.


Gusto ko silang irapan.

Gusto ko silang tawanan.

Ano bang pinagsasabi nila? May iba pa bang mundo?


"You are the lost Siarga. You're father needs you." dagdag pa ng lalaking matangkad. Tila nagpintig ang tenga ko.


Siarga? That word sounds familiar.

Father? I don't have any father.


"My father is already gone. He's dead." I rolled my eyes heavenward. Napipikon na ako.

"He's alive and he is sick. He needs you and your mother," sabi sa akin ng kanilang leader. "Come with us, Garnet." dagdag pa niya. Talagang pinipilit nila ako.

"Are you deaf?! How many times do I have to tell you that It's a NO and that's final!" Napasigaw na ako sa galit. Dahil doon bigla na lamang dumilim ang paligid. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero pagtingin ko sa mga kamay ko may mga itim na usok ang lumalabas at mukhang nilalamon niya ng dilim ang paligid.


Nataranta naman bigla ang tatlong lalaki sa harapan ko. Tila nagulat sa nasaksihan at maging ako. Umatras sila sa akin papalayo na parang natatakot. Hindi ko alam. Ano bang nangyayari sa akin?


Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Napasigaw nalang ako sa takot.


'Please stop this. I don't like this.' Sabi ko sa isip ko at napapikit na lamang ako at hinihiling na sana isa na lamang itong panaginip. Then I was drowned into darkness.




~~~~~~~~~~~~~~~~~




@SilentColdLady

The Lost SiargaWhere stories live. Discover now