Chapter 2 | For You

31 1 0
                                    





Naglalakad na ako patungo sa classroom nang mapansin ko ang kakaibang pakiramdam. Ngayon ko lamang napansin na lahat ng mga estudyante sa hallway lalong lalo na ang mga babae ay maiingay. May grupo pa ng mga babae na tumitili. Anong meron? Lahat sila ay maganda ang mood habang ako ay kanina pa lutang.

"Hi!" Ningitian ko nalang ang mga bumati sa akin.

It's unusual to look at them in this morning. It's freaking Monday pero parang first day of school lang. High na high ang energy nila. I'm not an observant pero nakakalito lang, huh?

"Anong meron?" Tanong ko sa kaklase kong nakasabay ko sa pag-akyat ng hagdanan.

"May mga transferee kasi... Tapos sobrang gwapo! Sobra!" Kinikilig pang sabi niya.

Umirap nalang ako. 'Yun lang naman pala. Akala ko ano na. Hindi pa ba sila nasanay sa mga estudyante dito? Halos mga estudyante dito ay mga modelo o mga celebrity. Pwera nalang sa akin. Scholar ako sa mismong exclusive school na ito.

Pumasok na ako sa classroom at umupo sa pinakadulo malapit sa bintana. Maingay ang klase. May nagbabatuhan kaya hindi nila ako napansin. Hindi naman ako close sa kanila. Wala akong kaibigan sa kanila kasi wala namang lumalapit sa akin. Simply because I'm just a scholar in this school. Umirap ulit ako maingay na nga sa bahay, maingay pa dito.

Simula kasi kahapon parati nalang paranoid si mama. Parating nagpapanic. Tingin ng tingin sa bintana tapos hindi pa ako pinalabas ng bahay kahit magdidilig lang ng halaman sa bakuran. And after six years, nabuhay na naman ang tanyag na bilin ni mama kaninang umaga.

"Huwag na huwag kang makikipag-usap sa mga hindi mo kakilala at—" hindi ko na siya pinatapos.

"At umuwi pagkatapos ng klase. Before 5:30 pm dapat nandito na ako sa bahay. See? Mama saulong-saulo ko na 'yan. Ano bang nangyari kahapon at bigla-bigla ka nalang nagkakaganito?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuklay ako. Umiwas naman siya ng tingin sa akin.

"W-wala lang. May bali-balita kasi ng kidnapping dito sa lugar natin." Yun lamang ang sagot niya.

Nagkibit-balikat nalang ako. Concern lang siguro si mama.

"GUYS! WALANG KLASE PERO HUWAG DAW LALABAS NG CAMPUS!" Pagkatapos isigaw ng aming gwapong class mayor 'yun lahat sila ay nag-uunahan ng lumabas. Umirap ulit ako. Atat lang? Tss.

Dumiretso agad ako sa butterfly garden ng paaralan. Well it's peaceful here at isa pa sanay na sa akin ang mga paru-paru dito. Naisipan ko na din na ipagpatuloy ang pagbabasa ko ng libro. Nilabas ko na din ang aking earphones para magpatugtog ng mellow music.

Nagbabasa lamang ako ng may nararamdaman akong paparating. Binalewala ko lamang iyon. Pero bigla kasing lumipad saan-saan ang mga paru-paru tila nagkakagulo sila. Kaya tumingin ako sa entrance ng garden and there I saw a guy. Kakarating lang. Nakangiting lumapit siya sa akin.

"Hi!" Aniya. Tinanggal ko naman ang earphones sa tainga ko. I looked at him from head to foot. He looks familiar.

Kumunot ang noo ko, "Who are you?"

The guy chuckled, "Seriously, Garnet? We just met yesterday."

The Lost SiargaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu