Chapter 5 | Welcome

32 1 0
                                    




"Ma paano mo nga pala nakilala si Kuya Lloyd?" Saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng pinggan nang magtanong ako. Tila naghahanap pa siya ng tamang sagot pero tinikom na lamang niya ang kanyang bibig.

Bakit? Matagal na ba silang magkakilala? Sa nangyari kagabi, kung paano sila mag-usap mukha nga. Tanga ka, Garnet! Nagtanong ka pa kung alam mo na ang sagot. Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagpupunas ng mesa.

"Nagkakilala kami dahil sa iyong ama." Ako naman ngayon ang napahinto. Tanga ka, Garnet! Kaya nagdadalawang isip na sumagot ang mama mo dahil sa naalala niya ang yumaong papa mo na kanyang asawa.

Hindi pa ako nalinawagan sa mga pangyayari kaya I still stand on my decision. Hindi ako sasama and I'll convince mama. Humarap ulit ako sa kanya nang inunahan niya ako sa pagsasalita.

"Susunduin nila tayo mamaya kaya huwag ka ng pumasok ngayong hapon. Mag-ayos ka na din, anak." Aniya.


"Pero ma-"


"Sasabihin ko sa'yo ang lahat pagkarating natin ng Siarga" lumingon siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi. Napabuntong-hininga nalang ako. Hindi mababali ang desisyon ni mama at alam ko 'yun. Pero ang tanong may mapapala ba ako o kami kung sasama kami sa kanila? Sa Siarga na iyan?


Walang pasabi-sabi na lumabas ako ng bahay. I need to unwind kaya pumunta ako sa children's park. Malayo-layo 'yun sa bahay namin pero gusto kong maglakad habang nagmumuni-muni kaya pinili ko doon. It's class hour kaya tahimik ang lugar nang makarating ako. Umupo ako sa isa sa mga swing doon.


Simula na dumating ang Mushroom trio nagkagulo na ang takbo ng utak ko. Kung noon, ang problema ko lang naman ay ang mga kaklase kong mga maaarte at ang mga fantasy books, ngayon naman ay kung ano talaga ako. Ngumiti ako ng mapait nang maalala na lilipat kami ng tirahan. Ang tahimik at payapa naming buhay, for sure gugulo ito sa Siarga na lilipatan namin.


Siarga...


Siarga...


Where is that place anyway?


Kinuha ko ang phone ko sa bulsa and start googling, Siarga. But then no result. I'm still persistent to search that place in different search engines when I realized na isang oras na akong nakatambay dito. May mga tao na din na tumatambay bukod sa akin. Now, I'm not alone kaya mas ginanahan tuloy akong magpalipas oras muna dito. I set my phone in airplane mode para walang istorbo at started reading e-book. Nang nangalay ako sa pagkakaupo, lumipat ako sa ilalim ng puno at doon humiga. Gosh! I think I need to take a nap.






***









"Ikaw na"

"Ayoko. Ikaw na sabi eh!"

"Sshh. Baka magising siya."

"Mas mabuti nga na magising na siya. Kanina pa kaya tayo dito!"

"Quinn!"

Napakunot-noo ako ng marinig ang pamilyar na mga boses. Unti-unti akong dumilat at unang bumungad sa paningin ko ang nakahalukipkip na si Quinn.


The Lost SiargaWhere stories live. Discover now