Chapter 1 | Weakling

52 2 0
                                    





"Salamat po Mrs. Felicio sa bagong libro." nginitian ko siya kaya sinuklian naman niya ako ng ngiti.

"Ano ka ba Garnet! Walang anuman. Babalitaan kita kapag may bagong stock na naman ako ng libro." sabi niya pa at kumaway na para umalis.

Si Mrs. Felicio ay may-ari ng isang bookshop malapit lang dito sa bahay namin. Ang maganda pa ay kompleto lahat ng libro. Lagi siyang updated eh kasi katulad ko book lover din siya. Nag-order kasi ako ng bagong fantasy book pero hindi ako pinayagan na lumabas ng bahay ni Mama kaya pumunta dito si Mrs. Felicio para ibigay sa akin ang libro. Constant suki niya kasi ako.

Pumunta ako sa living room namin at nagpatugtog ako ng mellow music para simulan ko na ang pagbabasa. Well, this is my reading style. Napailing ako dahil sigurado ako na matatapos ko itong basahin ngayong araw lamang.

"Garnet! Anak!" Napatigil ako sa pagbabasa at nagmamadali na tinungo ang front door para pagbuksan si mama.

"Mama anong nangyari sa inyo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Hinihingal kasi siya at pinagpapawisan. Pumasok na siya sa loob at nilapag niya ang kanyang bag sa couch.

"W-wala. I'm f-fine." she's stuttering and I know she's not fine.

"Ma calm down." pinaupo ko siya at dumeritso ako sa kusina para kumuha ng tubig para sa kanya. Pagkabalik ko sa living room ay maayos na si mama. Tumayo na din siya at bigla akong niyakap.

"Magluluto na ako. Anong gusto mong ulam?" Nakangiting sabi ni mama. Okay ang weird niya. May split personality ba si mama? Pero dahil ayoko nang sirain ang moment ay sumagot na ako.

"Beefsteak po ma." nakangiting sagot ko sa kanya at pumunta na siya sa kusina. Wala sa sarili na ininom ko ang hawak kong basong tubig.


What was that?


Bumalik na ako sa pagkakaupo ko sa couch at pagbabasa ng libro. Then suddenly naisip ko na cover-an ang book ko. Baka kasi masira. Pumunta agad ako sa kwarto ko para kunin ang gunting, scotch tape at ang...

"Teka wala na akong plastic cover?" sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko si mama, "Ma bili po muna ako ng plastic cover sa bookshop." paalam ko sa kanya. Tumango naman siya.


"Mag-iingat ka anak." rinig kong sabi niya. Kada lalabas naman ako ng bahay 'yang linyang iyan ang parati niyang sinasabi sa akin. Sumaludo ako sa kanya at ningitian.

Malapit lang naman ang bookshop kaya nakarating ako agad.

"Oh Garnet naparito ka?" Nakapameywang na sabi sa akin ni Hara anak ni Mrs. Felicio. Mataray pero mabait talaga siya. Medyo immune na ako sa ugali niya, "Aba! Hindi ka na sumasagot ha." I smiled at her.

"Pabili ako ng plastic cover." inirapan naman niya ako at ibinigay sa akin ang hiningi ko. Binayaran ko naman siya pero hindi pa ako umalis.

"May kailangan ka pa ba?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Umiling ako.

"Tambay muna ako dito," sabi ko at kumuha ng isang libro at binasa ang nakasulat sa back cover nito.

The Lost SiargaWhere stories live. Discover now