Chapter 7 | Real

11 1 0
                                    



"Ikaw anong kapangyarihan mo?" Napukaw ang atensyon ko ni Ella. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

Quinn told me that I'm an ice user dahil sa nangyari nung nakaraan but I am also a dark user. Pero hindi pa rin ako naniniwala...

"Anong power ng parents mo?" Biglaang tanong niya.

Walang nasabi sa akin si mama. Base na rin sa napanaginipan ko, isa siyang mortal. Wala rin akong alam kay papa pero naalala ko na naman ang magulong sinabi ng reyna sa panaginip ko. Napabuntong-hininga ako. Walang dapat ang makakaalam na konektado kami ni mama sa isa't isa.

Tumingin ako kay Ella na naghihintay sa sagot ko.

"K-kasi h-hindi ko k-kilala mga magulang k-ko?" Nauutal kong sabi pero patanong. Hindi ako sanay magsinungaling. Napapitik naman sa hangin ang kaharap ko.

"Sorry Garnet. Hindi ko alam na ulila ka na. Nagdududa pa tuloy ako sa'yo." Panghihingi pa niya ng dispensa sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya ng tipid. "So hindi mo pa alam ang powers mo?" Tanong ulit niya ngunit tumungo lamang ako, "Then you're a late bloomer. Don't worry malalaman mo rin ang power mo. Halika na"


Sabi niya sa akin na lalabas daw ang kapangyarihan ng isang late bloomer kapag unti-unti niyang natatanggap ang hindi ordinaryong katauhan niya. If she is willingly accepted that she isn't ordinary. Minsan daw kusa raw itong lalabas pero hindi madaling makontrol kasi kulang sa knowledge and acceptance.

Sabay kaming pumunta ng Class Building na kakabukas pa lang. Hindi kalayuan may nakita kaming magandang babae na nakatayo doon. Siya siguro ang nagbukas.

"Siya si Ms. Ada. She's also a white witch." Bulong sa akin ni Ella habang nakatingin kami pareho sa napakagandang babae. Nang nalingunan niya kami ay masaya siyang kumaway.

"Hi Ms. Ada!" masayang bati ni Ella.

"Hello Ella and...?" Tumingin siya sa akin.

"G-garnet po" sagot ko at bigla naman siyang pumalakpak.

"Oh the new student! Nasa akin ang class schedule mo." Sabi pa niya habang kinukuha niya ang kanyang WAND!? Tumingin siya ulit sa akin at ngumiti, "your hand please..."

Nilahad ko agad ang kamay ko sa kanya. Walang sabi-sabi at biglang umilaw ang dulo ng kanyang wand at tinutok sa nakalahad kong kamay. Lumitaw doon ang isang nakatuping papel. Namangha naman ako sa nasaksihan.

"WOW!" Sabi ko. I heard Ella chuckled beside me.

"Pasensya na po Ms. Ada. Sadyang kakalabas lang po niya ng kulungan at ngayon lamang niya nasaksihan ang mundo natin." Ella said that made my eyes rolled.

"It must be hard for you adjusting here, dear. But don't worry Ellarina and I will help you. Siarga academy is a very prestigious school especially in magic." Sabi sa akin ni Ms. Ada at kumindat pa sa akin. Napakaganda talaga niya.

"Salamat po, Ms. Ada" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Pumasok na kayo. I'll go ahead." Sabi niya at umalis na sa aming harapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost SiargaWhere stories live. Discover now