Chapter 3 | Ice

27 1 0
                                    





Dahil wala namang klase sa araw na 'yun ay tumambay na lamang ako sa library para magbasa at magpalamig. Nalaman ko din na ang Mushroom trios pala ang bagong students ng paaralan. Pinagkakaguluhan kasi sila dito sa library nang sumunod sila sa akin kaya pinalabas at sinita ng librarian.

"Buti nga sa kanila." Bulong ko habang nakatingin sa tatlo na papalabas ng library. I smirk inwardly.

"Garnet hindi ka pa ba uuwi? Pwede na raw tayong makauwi." Sabi sa akin ni Jenny, kapitbahay namin at schoolmate ko. Tumango ako sa kanya at nagsimula na din sa pagliligpit ng mga gamit.

Sabay kami sa paglalakad patungo sa gate nang tinawag siya ng ka-squad niya.

"Nako Garnet! Mauuna ka na ha. Birthday pala ngayon ni Kaycee." Sabi niya sa akin habang papalapit ang mga kaibigan niya sa amin. Ngumiti ako sa kanya para sabihan na, okay lang.

"Sige. Pakisabi nalang sa kanya na, Happy Birthday." Sabi ko at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanila.

Binati ko si Kuya Guard nang nakalabas na ako ng school. Nakangiti pa ako habang nagpapaalam pero napawi lamang ito ng makita ko ang tatlong lalaki na nakatingin sa akin. Biglang umaliwalas ang mukha ni Chadrick nang makita ako at lumapit sa akin. Binigyan naman ako ng tipid na ngiti ni Jeno habang si Quinn naman ay seryosong nakatingin sa akin.


 Binigyan naman ako ng tipid na ngiti ni Jeno habang si Quinn naman ay seryosong nakatingin sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"Ihatid ka na namin sa inyo, Garnet." Nakangiting pahayag ni Chadrick sa akin.

Napatingin naman ako sa paligid. May mga babaeng estudyante ang nakatingin sa akin ng masama. May umirap pa sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napataas naman ang kilay ko at inirapan sila isa-isa.

"Ano? Lead the way, Garnet." Sinamaan ko naman ng tingin ang nakangiting si Chadrick sa harap ko. Pwede bang sumimangot muna siya. Bakit parati siyang nakangiti?

"Nakakairita ka! Alam mo ba 'yun?" Sabi ko at umalis sa harap nila.

Naglakad ako ng mabilis para hindi ako sundan ng Mushroom trios. Nang bigla kong maramdaman ang presensya nila sa likod ko ay tumakbo na ako. Naguguluhan ako. I'm not an observant pero ang bilis kong makaramdam.

Lumingon ako at tumatakbo na din sila pero malayo pa ang distansya nila sa akin. Ang layo nila pero nararamdaman ko sila. Bigla akong napahinto nang maramdaman ko na babangga ako sa isang poste. Tumingin na ako sa harapan habang hinihingal ako.

What is happening to me?

"Di ba doon ang daan pauwi sa inyo?" Napatalon naman ako sa gulat at sinamaan ng tingin ang inosenteng si Chadrick. Nakaturo siya sa kanan at tama nga siya doon ang daan pauwi sa amin.

The Lost SiargaWhere stories live. Discover now