Chapter 4 | Agree

26 1 0
                                    





Gulung-gulo na ako. Wala na akong maintindihan sa paligid ko. Pabalik-balik sa akin ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. The ice, the fireballs, everything.



What am I?



Tulala lamang ako na nakaupo sa sofa dito sa aming sala nang maabutan ako ni mama...


"Nandito ka na pala anak. Halika na kumain na tayo." Yaya niya sa akin. Pero tinignan ko lamang siya. Naguguluhan na lumapit siya sa akin, "May problema ba anak?"


Puno ng pag-alala ang kanyang mga mata. Umiiling lamang ako at tumingala. Pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.


"Mama..." Tawag ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko agad. Tinignan ko siya, "Naguguluhan po ako."


"Bakit? May problema ba sa klase niyo?" Umiling ako sa tanong niya.


"Mama... Bakit may kakaiba? Parang may kakaiba akong nararamdaman?" Kumunot naman ang noo ni mama.


"May sakit ka? Garnet naman sabi ko sa'yo umi—" pinigilan ko siya sa pagsasalita.


"May gustong kumuha sa akin. Hindi daw nararapat ang katulad ko dito. Ma hindi ako normal. I have an ice power katulad sa nababasa ko sa mga libro. Hindi ako normal ma!" Naghihisterical na ako. Umiiyak na din ako. Niyakap lamang ako ni mama.


"Garnet, anak" umiiyak na din siya. Sa puntong iyon, na-kompirma ko na hindi ako normal.


"Totoo nga na hindi ako normal, di ba? Sino ang tunay kong mga magulang? Bakit ako nandito? Halimaw ba ako mama?" Nanghihina ako sa huling sinabi ko. Kumalas naman siya sa yakap at umiiling na tumingin sa akin.


"No, you're my daughter! You're my child! I'm your mother, Garnet." she sincerely said that to me.


"Hindi din kayo normal mama? You have powers, too?" I asked her but she didn't respond.


Walang ni isang magsalita sa amin. Tanging paghikbi lamang ang maririnig. Pinunasan ni mama ang mga luha ko nang biglang bumukas ang pinto. Biglang tumayo si mama at hinarap sila Quinn kasama na din si Kuya Lloyd.


Anong ginagawa niya dito?


"Lloyd..." Sabi ni mama habang seryosong tinitignan si Kuya Lloyd. Tumango naman si Kuya sa kanya.

"Siony..." Aniya at tumingin sa akin. The handsome face of Kuya Lloyd looks serious right now.


"Anong ginagawa niyo dito? Akala ko umalis ka na pero bakit nandito ka pa at may bago ka pang mga kasamahan?" Hinawakan ni mama ang kamay ko.


Teka magkakilala na sila?


"Alam mo naman kung bakit ako nandito. Upang bantayan kayong mag-ina. Siony oras nalang ang nalalabi at mapapahamak kayo dito lalong lalo na si Garnet." humigpit naman ang pagkakahawak ni mama sa kamay ko. Tumayo na din ako at hinawakan si mama sa braso. Tahimik naman na nakikinig sila Chadrick.


The Lost SiargaWhere stories live. Discover now