Chapter 19 - Zera Lavinia

42.5K 955 19
                                    


Chapter 19 - Zera Lavinia

~

MAGMULA NG makita ni Leon si Zia sa fast food chain na iyon ay hindi na niya ito hinayaan pang mawala sa paningin niya. Umalis na siya sa restaurant na tinatrabahoan niya. Tutal ay nakuha na din niya ang rights sa credit cards niya at isa pa, malaking tulong din ang three gold bars na inihatid ni Ross sa kanya dito sa Japan.

Sinamahan na niya si Zia sa unit na tinutuloyan nito. Doon na siya tumitira ngunit hindi sila nagtatabi sa iisang kama. Panay pinapaalala sa kanya ni Zia na hiwalay na sila kahit pa inamin na nila sa isa't isa na may nararamdaman pa din sila pareho, na mahal pa din nila ang isa't isa.

Maka-ilang ulit na nga ba niya itong inalok muling magpakasal? Apat na beses na yata pero panay pa din ang tanggi nito. Halos two times a week siya nagpo-propose pero hindi pa din ang sagot nito. Dalawang linggo na siyang nanatali sa unit ng asawa niya at sa susunod na araw ay lilipad na sila pabalik ng Pilipinas. Doon daw kasi nito gustong manganak. Kaya lang naman daw ito narito ay upang magbakasyon kahit sagit lang.

Naulingan niyang bumukas ang pinto ng silid ni Zia. Agad niya itong pinuntahan upang alalayang maglakad. Namamanas kasi ang binti nito. Hindi naman iyon masyado pero gusto niyang makasiguro na maayos ito.

"Morning love.."

Isang ngiti lang ang sinagot ni Zia sa kanya. Okay na iyon, basta kasama niya si Zia at ang magiging anak nila, sapat na iyon para sa kanya.

Dumiretso na sila sa dining area. Na-prepare niya na din ang agahan ng asawa niya. Sa dalawang linggo na pagtira niya kasama si Zia. Alam niyang gustong gusto nito ang amoy ng strawberry kapag umaga, part siguro iyon ng pagbubutis. Kaya naman nag hain siya ngayon ng pancakes with cheese and fresh strawberry on top with strawberry syrup. Hindi niya rin kinalimotan anga gatas na iniinom nito para sa nagdadalang tao.

"Hmm.. ang bango!" Kumento nito.

Napangiti siya ng makita ang kislap sa mga mata ng asawa. Tsk! Zia never failed to make him fall in-love over and over again with her. Mahal na mahal niya talaga ang babaeng ito.

Umupo na ito bago tumingin sa kanya. "Sabayan mo kaming kumain ni Baby."

Umiling lang siya. "Kakatapos ko lang love. Panonoorin ko nalang kayong kumain."

Nakita niyang humaba ang nguso nito. He was tempted to kissed those lips and so he did. Saglit lang iyon at agad din siyang bumitaw. Kitang kita niya sa kulay butterscotch nitong mga mata ang pagkabigla.

"Gago ka! Bakit nanghahalik ka nalang bigla! Annulled na tayo baliw!"

He chuckled. "So what?! Mahal naman kita."

"Wag ka nga! Hindi ako magpapakasal ulit sayo! Kumain na nga tayo!" Tila ba pag iiba nito ng usapan. "Kapag hindi mo ako sinabayan kumain hindi din ako kakain. Sige ka, magugutom si Baby sa tummy ko."

"Cute." He commented.

Zia rolled her eyes. "I am not."

Wala ng nagawa si Leon kundi salohan ang asawa sa hapag. Nag e-enjoy siya na panoorin ito sa bawat pag subo nito. Wala siyang ibang hinangad kundi ang ikabubuti ng mag ina niya. God! He's being more responsible now.

"Ay, oo nga pala. Nag text sa akin ang kuya mo kanina. Bakit hindi mo siya pinagbuksan ng pinto kaninang madaling araw? Di ba sa couch ka natulog kagabi?!" Tanong nito.

Napakunot ang noo niya sa narinig. Anong Kuya niya?! Fuck! Magkakilala na sina Zia at Jaguar?! Paano nangyari iyon?

"What are you talking about?!"

8ET: Lost and Found (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon