Chapter 6 - Her wish

37.5K 957 10
                                    


Chapter 6 - Her wish

~

NAGULAT man si Zia sa mga nangyayari ay nanatili lang siyang tahimik. Masayang masaya siya sa kaalamang narito na sa poder nilang muli ang halos kapatid na niyang si Vinia. Ngunit gusto pa din niyang malaman kung ano ba talagang nanyari dito sa mga nakalipas na panahon. Ang pinagtatakha niya pa ay kung bakit kasama nito ang isang sikat na business man na si Gerald Anton Valdez, may ari ng isang sikat na clotthing line sa bansa. Ito ba ang sinasabi ni Vinia na fiance nito?!

Tumikhim ang kanyang ama dahilan para mapatingin siya dito. Mukhang napansin nito ang mga gusto niyang tanongin kaya nagsimula na siyang magtanong.

"Anong nangyari sayo Vinia? At nasaan ka nitong mga nakaraang taon?." Desperada niyang tanong.

Napakunot ang noo niya ng bumuntong hininga ito at tumingin sa katabi nitong si Gerald na para bang naghihingi ng tulong sa sasabihin nito. Mas lalo siyang naguluhan.

"Excuse me," anang binat. "Allow me to answer your question Miss De Vera."

"Bakit ikaw ang sasagot?!" Napataas ang boses niya. Ewan niya ba, hindi niya gusto ang presensya ng lalaking ito sa harapan niya.

This is a family reunited. Vinia is a family for her. At isa pa, mukhang hindi naman ito ang sinasabi ni Vinia na fiance nito. Dahil ang pagkaka-describe sa kanya ng kaibigan niya tungkol sa lalaking mahal nito ay isang simpleng tao, hindi nito sinabing mayaman.

"ZIA!!" Suway sa kanya ng kanyang ama. "Let him talk."

Wala na siyang nagawa kundi ang pakinggan ang ama. Napilitan siyang hayaang magpaliwanag ang business tycoon na kasalo nila ngayon sa hapagkainan.

"Four years ago, I accidentally bump her with my car. A--"

"You what?!!" Sansala niya sa sasabihin nito.

"Letizia I told you to listen up! Shut up." Muling saway sa kanya ng kanyang ama.

Matatalim ang titig niya sa binata bago ito tumuloy sa mga sinasabi nito. Damn it! Mamaya kapag wala na sa harapan niya ang Daddy niya, sasapakin niya talaga ang lalaking ito.

"As I was saying, nasagasaan ko siya, accidentally." Umingos lang siya sa narinig. "Dinala ko siya agad sa Hospital to confine her but she was under go with coma. Hindi ko alam kung anong pangalan niya o kung sino ba ang pwede kong tawagan na kamag anak niya to inform them for what happened to her. I truly sorry I am. Kaya pina-imbestiga ko ang lahat ng tungkol sa kanya. After a few weeks na-contact ko na sina Mr. and Mrs. De Vera."

Bumaling siya ng tingin sa mga magulang niya. Lukot ng sobra ang kanyang magandang mukha dahil hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari. Paanong nangyaring hindi sinabi sa kanya ng mga magulang niya ang nangyari kay Vinia? It is because they're expecting her to be her heart donor?.

Ngumiti sa kanya ang kanyang ina at binigyan siya ng tingin na nagsasabing pakinggan niya muna ang lahat.

"Napakaliit ng tyansang magising pa si Vinia ng mga oras na iyon, malaki ang naging damage nito sa utak niya dahilan para ma-comatose siya. Napag alaman namin nina Mr. De Vera na naka-pirma si Vinia sa isang kasulatang nagsasabing handa niyang i-donate ang puso niya kay Miss Letizia De Vera kung sakali mang may mangyaring masama sa kanya."

"That's why Vinia became your major heart donor. Noong mga panahong iyon desperado na kami ng Mommy mo na ma-operahan ka, at isa pa wala na talaga kaming mahanap na pwedeng maging donor kundi si Vinia." Her Dad added.

Muli namang nagpatuloy sa pagsasalaysay si Gerald. "They were desperate for your operation and I am desperate too to see her wake up and alive. Kaya tinakas ko si Vinia at dinala ko siya sa Los Angeles at doon ko pinagpatuloy ang paggagamot niya."

8ET: Lost and Found (COMPLETED) UNEDITED VERSIONOù les histoires vivent. Découvrez maintenant