Chapter 12 - What Happened to Us?

35.3K 948 32
                                    


Chapter 12 - What happened to Us?

~

"KAMUSTA ang early meeting?!" Halos mapapitlag siya sa gulat ng iyon kaagad ang sinalubong ni Zia sa kanya pagkapasok niya ng unit nito.

Damn! Pakiramdam ni Leon ay pinagpapawisan siya ng malamig. "O-okay lang."

He reached her wife to give her a peck on her lips but she step backward. Nagtatakang napatitig naman siya sa asawa.

"What's wrong?!"

Umiling ito. "Pagod lang ako, galing kaming medical mission. Anyway, magpapahinga na ako." Malamig na anito bago ito tumalikod at naglakad na papalayo.

Niluwagan ni Leon ang suot niyang kurbata. Damn! Thanks to his bodyguards nakapagpalit siya ng matinong damit bago siya magcheck out sa hotel. Napahilamos siya ng mukha sa sariling palad at ibinagsak ang sarili sa sofa. Fuck! Hindi niya alam kung ano ba dapat ang dapat niyang gawin.

Lasing si Vinia kagabi at oo may nangyari sa kanila higit pa sa halik na ibinigay nito sa kanya. Fuckshit! Alam niyang hindi pa nakaka-alala ang dalaga ngunit hindi ito gagawa ng hakbang kagabi kung wala itong naalala kahit na kaunti. Kaninang umaga pagkagising ni Vinia ay hindi na siya nito kinibo. Para nalang itong de-susing manika na lumabas ng Hotel. Fuck! His mind is full of frustration now.

Alam niyang mali ang nagyari sa kanila ni Vinia kaninag madaling araw. Kasal na siya at inaasahan siya ni Zia. But what happened to them last night made him realize that he's still in-love with her and yet, he's also in-love with her wife. Bullshit! Nagugulohan na din siya sa sarili niya. Nakakatang ina lang! Hindi ba pwedeng pakasalan niya nalang din si Vinia at dalawa nalang sila ni Zia na asawa niya?! Damn! He won't let himself choose if whom he'll loose?!

Napa-iling nalang siya at saka mabigat ang katawan na tumayo sa sofa. Gusto niya na ding magpahinga dahil pagod na pagod na siya kaka-isip. At isa pa, gusto niyang malaman kung ano ba ang problema ng asawa niya at bakit bigla nalang nanlamig ang pakikitungo nito sa kanya.

Natagpoan niya si Zia na nakahiga sa kama, nakatagilid ito, likod nito ang nakikita niya. Nakasarado ang kulay dilaw na kurtina para hindi pumasok ang sinag ng papalubog na araw. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may mabigat na dinadala ang asawa.

Inalis niya ang saplot niya sa katawan ngunit iniwan niya ang boxers niya bago tinabihan ang asawa sa kama. Niyakap niya ito mula sa likoran. Naramdaman niyang bahagya pa itong natigilan.

"W-what's the matter hon?"

Hindi ito sumagot sa kanya. Alam niyang gising si Zia dahil sa naging reakson nito ng tumabi siya dito.

"Honey.." He called her again.

"I.. I trust you L-leon. I won't give you up."

Natigilan siya sa sinabi nito. Alam niyang may mali. God damn it! Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng mapagtanto niyang baka may alam si Zia sa nangyari sa kanila ni Vinia kagabi. Iniisip niya na baka nakita sila ni Zia sa may pinto kanina. Damn it!

Hindi pa man siya nakakahuma ng humarap sa kanya si Zia. Hinawakan nito ang kanyang pisngi. Ramdam na ramdam niya ang init ng palad ng asawa.

"I love you.. and I will never leave you." She gave him a peck on his lips. Bago ito sumiksik sa kanyang bisig.

"Wo ai ni, Zia. Wo hen bàoqiàn, wo de ai." aniya at saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

NANG MAPANSIN ni Leon na malalim na ang paghinga ng asawa at masiguro niyang nasa malalim na pagtulog na ito ay bumangon na siya sa kama. Ipagluluto niya ng hapunan si Zia, alam niyang napagod ito sa medical mission na pinuntahan nito. Kaya siguro kung ano-ano ang pinagsasabi nito sa kanya kanina.

8ET: Lost and Found (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon