Chapter 8 - Together but not Forever

37K 920 13
                                    


Chapter 8 - Together but not Forever

~

"BAKIT KASI kailangan mo pang umalis? Importante ba yang lalakarin mo sa Japan?!" Humalukipkip si Zia. Naiintindihan naman niyang busy na tao si Leon. But duh, wala pa silang isang linggong kasal tapos lalayasan na siya nito.

Alam naman niya ang tungkol sa grupo na kinabibilangan nito. Why? Pinsan niya ang founder ng isang sikat na mafia, Black Eternity FORTEZA Mafia. That was his stupid cousin Habagat Forteza's underground business. Nag mental note siya na dadalawin niya ang pinsan niya after this, para mabisita na din niya ang triplets nito at ang asawa nito. Nakaktuwa lang, noon kasi ay halos hindi niya maka-usap ang pinsan niyang iyon dahil sa pagkamatay ng kapatid nitong si Atlantica. Halos isumpa nito ang mga tao sa paligid nito, but looking at him now mukhang maayos na maayos na ang lagay ng pinsan niya.

Well back to her business, nagpaalam kasi si Leon sa kanya na aalis ito papuntang Japan dahil may importante daw itong aasikasuhin. Ayaw naman nitong sabihin sa kanya dahil confidential daw iyon. Mukhang nakalimotan yata ng binata na alam niya ang tungkol sa underground group nito.

Kumapit siya sa braso ng asaw at saka nagpapadyak. "Eee! Sama mo nalang ako! Bakit kasi isang buwan ka doon? Ang tagal naman yata. Baka may asawa ka din sa Japan ah!"

"Ke-ai.."

Napa-face palm siya sa narinig at padabog na tinanggal ang kanyang kamay sa braso nito. Nagsasalita nanaman kasi ito ng linggwaheng hindi niya maintindihan. Nakakainis lang. Noong unang pagkakataon itong nagsalita ng Chinese tinanong niya kung anong ibigsabihin niyon ngunit kahit na maghapon niya itong kinulit ay wala din siyang napala. Nayamot lang siya sa kakatawa nito.

Their marriage is actually making progress. Parehas silang nakapag adjust sa isa't isa kahit na masyadong mabilis ang naging pangyayari. But hey, it doesn't matter, noong una nga silang nagkita ay may nangyari na sa kanila. Tapos naging sila, and now their working on their marriage. Pinanghahawakan niya ang sinabi nitong mahal siya nito. Iyon ang kinakapitan niya para sa relasyong ito.

Their relationship maybe fast like a race but she knew by herself that she's totally fallen to this man. Hindi niya alam kung bakit at kung kailan. Basta ang alam niya, masaya siya sa tuwing kasama niya ang asawa. Pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-importanteng tao sa buhay nito.

Leon cupped her face. "Look hon, tatawagan kita araw-araw. I promise you that. One month is fast, just don't count the days. Kay?!"

"Promise?!"

"Promise." He re-assured her. "Alright, I gotta go. Take care here, okay?! Love you." He kissed her forehead then her lips.

"Don't forget my California Maki. Pag wala iyon sa sala ka matutulog pagbalik mo!"

Tumawa ito. "Yeah. Goodbye, honey."

Why does she feel her heart was ripping into that 'Goodbye' word? She just shrugged. Maybe she's just hallucinating. Nagpaalam na sa kanya ang asawa. As much as she wanted to come with him at least on airport, Leon decline it because he doesn't want her to get tired.

Napailing nalang siya. Pakiramdam niya ang lumungkot ang buong unit niya dahil sa tahimik ng lugar. Damn it! Wala pang isang oras na nawawala si Leon pero nangungulila na siya sa presensya ng asawa. Napailing nalang siya muli at saka naglakad na papuntang kusina.

Napangiti siya nang makita niyang pinaghandaan pala siya ni Leon ng almusal bago ito umalis. Umupo na siya doon at magsisimula na sanang kumain ng may mapansin siya sa ibabaw ng pancakes.

Napakunot ang noo niya pero agad din naman iyong napalitan ng panlalaki ng mata ng makita niya kung ano iyon.

It's a diamond wedding ring.

8ET: Lost and Found (COMPLETED) UNEDITED VERSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon