Chapter 14 - Last Day

37.8K 958 26
                                    


Chapter 14 - Last Day

~

SA LABAS palang ng building ng unit niya ay sinalubong na agad siya ni Leon na mukhang kanina pa nag-aantay sa labas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SA LABAS palang ng building ng unit niya ay sinalubong na agad siya ni Leon na mukhang kanina pa nag-aantay sa labas. He hugged her tight but Zia manage to not to hugged him back. Baka kasi kapag ginawa niya iyon ay bigla pang magbago ang isip niya. But come to think of it, hindi pa naman din siya sigurado sa desisyon niyang iwan si Leon.

May kung ano talagang pumipigil sa kanya.

“Where have you been?! Nag alala ako sayo, kanina ka pa wala.” His voice was full of concern.

“I'm tired, Leon..”

Bumitaw maman ito sa pagkakayakap sa kanya. He cupped her face. “Come, let's go inside, magpahinga ka muna.”

Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinala siya papasok pero hindi siya gumalaw sa kinatatayoan niya dahilan para matigilan ang asawa niya.

“Are you okay? Akala ko ba pagod ka na?! May gusto ka bang puntahan, honey?!” Puno ng pag aalalang tanong nito sa kanya.

She shook her head. “I'm tired..” She met his gaze with her teary butterscotch eyes. “...of saving what we have Leon. I am really tired.”

NATIGILAN SI Leon sa narinig. Fuck! Gusto niyang tanongin kung pinaglalaroan ba siya ng pandinig niya dahil pakiramdam niya ay hindi totoo ang narinig niya mula sa labi ng asawa. Damn it! Hindi pwede, may alam na ba ito tungkol sa kanilang dalawa ni Vinia? Fuck! Fuck! Fuck! There is no fucking way for her to know what's happening between him and Vinia. Hindi niya kayang mawala si Zia pero hindi niya din kaya na mawala sa kanya si Vinia.

Konting panahon pa para makapag isip siya. Konting panahon pa para makapili siya. Huwag ngayon, hindi niya pa kaya.

“What are you saying? Halika na, pagod ka lang diba? Tara na sa loob, magpahinga ka muna.” Bingi-bingihang aniya.

Muli ay hindi gumalaw ang asawa niya sa kinatatayoan nito. Unti-unti ay tinanggal nito ang pagkakahawak niya sa kamay nito.

Nagyuko si Leon. Damn! Hindi niya kaya. Alam na niya ang susunod dito. At iyon ang kinakatakot niyang mangyari pero anong magagawa niya?! Siya ang nasa maling daan na tinatahak. Wala siyang karapatan masaktan dahil dalawang babae ang sinasaktan niya ngayon.

“Isang araw Leon, isang araw nalang. Ano man ang piliin mo buo na ang desisyon ko.” Anito.

Pakiramdam ni Leon ay gumuho ang mundo niya. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang magsalita ngunit itinikom niya din iyon dahil wala siyang mahanap na salita para sabihin.

Marahil ito na siguro ang tama. Bukas, sa huling araw nilang magkasama. Hindi siya gagawa ng kahit na anong magpapasakit sa asawa. Kahit isang beses na lang. Kahit isang araw lang magpakatotoo siya para kay Zia. Hindi iyong nakaayon lang sa plano niya ang lahat.

8ET: Lost and Found (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now