Chapter 18 - My ex-husband

39.4K 943 22
                                    


Chapter 18 - My ex-husband

~

HINDI ALAM ni Zia kung bakit bigla nalang nagyaya si Jaguar na mamasyal. Sabagay, pabor naman iyon sa kanya dahil gusto niyang makita ang cherry blossom. Hindi naman niya kinalimotan na balutin ng makakapal na tela ang buo niyang katawan. Ayaw niya siponin dahil baka magkasipon din ang bata sa sinapupunan niya.

She's very thankful that Jaguar is here by her side. Madalas itong sumasama sa kanya sa mga check ups niya. Nangako naman ito na hindi nito pababayaan ang magiging pamangkin nito.

Minsan nga ay muli niya itong tinanong kung bakit hindi pa ito mag-asawa at magpakasal. Sa huli ay natahimik nalang siya dahil nawalan ng reaksyon ang mukha ng binata. Siguro ay matindi ang pinagdaanan nito sa naging karelasyon nito, dahil mukhang bitter na bitter na ngayon ang binata. Ni ayaw nitong pag usapan ang tungkol sa buhay pag-ibig nito. Sa tuwing magtatanong siya ay agad may segway ang binata sa topic.

Sa ngayon, panay pa din siyang dinadalaw ng mga magulang niya. Nangako naman siya na doon siya manganganak sa Pilipinas kaya kapag natungtong sa pitong buwan ang pinagbubuntis niya ay uuwi na siya ng Pilipinas. Susundoin siya ng Daddy niya dito sa Japan.

Speaking of her Dad, mukhang mainit din ang dugo nito kay Jaguar. Pinakilala niya na kasi ito sa ama bilang kapatid ng asawa. Marahil ay doon nag init ang ulo ng ama niya. Ngunit dinepensahan naman niya ang binata, after all, malaki na ang naitulong nito sa kanya.

“Zia..”

Napalingon siya kay Jaguar ng tawagin siya nito.

Nasa cherry blossom park na sila at madami na ding mga tourist ang tumutunghay sa magandang tanawing iyon. God! It was breathtaking.

“Bakit?”

Nagyuko ito ng tingin. Bakas sa sungkit nitong mga mata ang kalungkotan. “May kaibigan kasi ako. Mahal niya iyong babae.”

Napakunot ang noo niya. “Tapos?!”

“Kaso hindi ko——I mean niya, masabi na mahal niya iyong babae. May iba na kasing pinagpapantasyahan iyong babae tapos mukhang nagkakamabutihan na iyong dalawa. Pakiramdam ko——nung kaibigan ko na end game na. Kaya hindi na siya lalaban pa.”

She smiled. The way he was telling that problem, she knows, it was his problem.

She sighed a bit. “Alam mo, minsan kasi may mga tao kang kailangang pakawalan. Gaya nga ng sinabi mo sa amin ni Leon. Hindi kami matututo sa mga pagkakamali namin kung hindi namin pakakawalan ang isa't isa.” She smiled. “In your friend's case, sa tingin ko, dapat ipaglaban niya yung babae. Mahal niya diba? Ang nakikita ko lang problema ay nabubulag siya sa pagmamahal na hindi naman pala totoo. Sometimes you need to let go but.. sometimes, you also need to fight for it.”

“Hindi ko alam na Love Guru ka na pala ngayon.” Natatawang anito.

Pabiro niyang tinampal ang braso nito. “Sira! Sayo lang ako natuto. Lika na nga don.”

Pagkatapos nilang maglakad lakad at konting selfie na din ay nagyaya na itong kumain. Ang gusto niya sana ay kumain ng spicy noodle sa noodle restaurant na pinagtake-outan niya kahapon kaso malayo iyon dito. Maybe later, sasabihin niya kay Jaguar na dumaan sila sa restau na iyon bago siya nito ihatid.


“I'M REALLY sorry Lee. I want to make it up to you. Sorry for kissing you last night.” Makailang ulit na niya iyong narinig kay Neslee. Kanina pagpasok nito sa trabaho ay iyon na agad ang binungad sa kanya ng Amerikanang Hapon. Wala naman na iyon sa kanya. Ang importante ay hindi na nito uulitin ang ginawa nito.

His lips, and every inch of him belongs to only one woman. And that is his wife.

“Lee, come on! Forgive me please. Do you want me to treat you, for you to forgive me?!” Maktol pa nito sa kanya.

8ET: Lost and Found (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now