Chapter 1

27.5K 414 8
                                    

CHAPTER 1

"Sige na Skye... Please?" Pagmamakaawa nya. May kasama pang pikit ng mata at pout ng mga labi. Kadiri.

"Kadiri. Tigilan mo nga yang pagpapa-cute mo. Mukha kang aso nyan. At hindi pwede!" Sumimangot sya.

"Grabe ka naman. Sige na rin! Promise hindi ako gagawa ng mga bagay na ayaw mo. Promise talaga. Sige na, payagan mo na ko..." Napakamot na lang ako sa ulo.

Ano ba 'tong babaeng 'to? Ang kulit kulit.

"Kanino ka ba nagmana at ang kulit kulit mo ha?"

"Sayo." Tapos ngumiti sya.

"Aba sumasagot ka pa ha."

"Totoo naman ah! Di ba kasi magkapatid tayo? Normal lang yun!"

Sabagay may point nga sya.

"O sige, papayag na ako, basta kasama ako doon." Nagulat ako kasi tumalon sya bigla at niyakap ako.

"Yehey! Thank you talaga Skye! Grabe, ikaw na! The best ka eh!" Bumitaw rin naman sya agad tapos nagpaalam at uuwi na raw sya pero sinigawan ko sya bago pa sya nakalayo.

"Hoy Autumn! Susunduin kita sa inyo mamaya ha! Magpaalam kay kay Tita. Naku, baka ako pa ang galitan nun at baka akalain nyang tinatakas kita!"

"Ako bahala kay Mama! Sige! Babay!" Ngumiti sya at kumaway. Tapos umalis na sya.

Papansin talaga. Birthday kasi ng kaibigan namin na si Drea ngayon. Gusto pumunta ni Autumn kaso ayaw ko syang payagan kasi for sure, aayain na naman yun makipag-inuman. Eh nung nakaraang buwan eh halos hindi na nga sya nakauwi dahil sa sobrang kalasingan eh. Ako pa yung tinawagan para sunduin sya. Tapos nung hinatid ko na sya pauwi, si Tita naman eh humingi ng sorry kasi naabala pa raw ako.

Syempre kunyari daw okay lang pero sa totoo lang naaasar talaga ako nun kay Autumn. Anak naman kasi ng tinapa. Anong oras na yun? Alas dos ng madaling araw, sa kalagitnaan ng kasarapan ng tulog ko eh biglang may tatawag sa akin at kelangan daw sunduin si Autumn.

Ay nako, kung hindi ko lang talaga sya best friend eh pinabayaan ko na yan sya na matulog sa daanan. HUWAHAHA! Ang sama ko sana kung nagkataon.

My Best Friend's BabyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα