23 // Friends and Admirers

175K 3.2K 874
                                    

"Life is an awful, ugly place to not have a best friend."
— Sarah Dessen

~ ~ ~

Habang papalapit si Marky sa kinatatayuan nina Ces at Mr. Quiano, hindi makapaniwala si Ces sa nakikita. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa kaibigang nakangiti. Ang daming tanong. . . ang daming walang sagot, pero nakakaramdam siya ng tuwa.

Nang makalapit na si Marky kay Ces ay tiningnan nito nang masama si Mr. Quiano. “Tara na, Ces. Hinahanap ka na ng boyfriend mo.”

Biglang lumundag ang puso ng dalaga sa narinig. . . boyfriend.

All she could think was Lyle pero. . . napabuntong-hininga siya. But what surprised her more ay ang reaksIyon ni Mr. Quiano. Nakataas-kilay itong tumingin kay Ces. “Boyfriend?” pagtatakang tanong nito.

“Opo, kaya excuse us lang po?” paalam ng kanyang kaibigan, emphasizing the ‘po’. Ngiting-ngiti si Marky at agad na hinila si Ces. Nawalan na ng pagkakataon ang dalaga para magpaalam man lang sa kanyang propesor.

Kinaladkad lang siya ng kaibigan at mabilis ang lakad nila. Nakatingin lang siya sa likod ni Marky, examining her friend from head to toe. How she missed her friend, how she missed Marky’s witty feedbacks. “Tara, ice cream?” pagyayaya ni Marky sa kaibigan.

Ces smiled. Isa pa sa mga na-miss niya ay ang bonding nilang dalawa.

* * *

“Sino ba 'yung kumausap sa'yo?”

Naninibago ngayon si Ces na kaharap niya si Marky habang kumakain ng ice cream. Tiningnan niya ang mukha ng kaibigan. Medyo lumobo—kitang-kita ang pagtaba nito pero maganda pa rin, morena pa rin, at kahit hindi hapit ang damit nito ngayon, malakas pa rin ang appeal.

“Prof. ko 'yun. . . sa computer.” Nasamid si Marky sa narinig.

“What? Prof. mo 'yun?!” Napangiti naman si Ces sa reaksiyon ng kaibigan dahil mukhang ni-retrace pa ni Marky ang mga pangyayari at ang ginawa niyang disrespectful sa isang Prof. “Seryoso? Akala ko kasi pinipilit kang isama!” Natawa agad si Marky sa sariling realisasyon. “Shocks, mukha kasing manyak! Baka mamaya bumagsak ka dahil sa akin!”

Napangiti naman si Ces. Hindi siya makapagsalita. Parang gusto na lang niyang pagmasdan ang kaibigan habang natatawa sa sariling mali nito. Pero hindi siya mapakali—kahit iwasan niya ay pabalik-balik ang kanyang paningin sa tiyan ng kaibigan.

Nakaramdam ng awkwardness ang dalaga nang makita niyang hinawakan ng kaibigan ang tiyan at ngumiti. “Ninang ka, ha?”

Nagkatinginan sina Marky at Ces. . . Walang nagsasalita, walang kumikibo. Maraming gustong itanong ang dalaga sa kaibigan ngunit sa sobrang dami ay hindi na niya alam ang unang itatanong. Bumilis ang tibok ng puso ni Ces nang ngumiti sa kanya si Marky. “7 months—lalaki.”

Katahimikan.

Tanging ang sound trip ng ice cream parlor ang maririnig sa dalawang panig. Natahimik na naman si Ces. Hindi talaga niya alam ang dapat sabihin at dapat itanong.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon