18 // A Heart Clash

189K 3.4K 1.2K
                                    

"Love does not appear with any warning signs. You fall into it as if pushed from a high diving board. No time to think about what's happening. It's inevitable. An event you can't control. A crazy, heart-stopping, roller-coaster ride that just has to take its course."
— Jackie Collins

~ ~ ~

Nagmadaling umalis si Ces ng CR. Hindi na rin niya ininda kung malalaman ba ni Lyle na nandoon din siya. O kung may narinig siya. Gusto na lang niya makaalis. It's fucking hard for her. She couldn't breath. . . tila ba pinapatay ang buong pagkatao niya.

Dumiretso siya sa MRT para makauwi. Hindi siya sigurado kung paano siya nagkaroon ng lakas para makapunta sa istasyon. Lutang ang kanyang pagkatao. Wala na siyang naiintindihan sa mga bagay-bagay. Pakiramdam niya ay naiwan ang kanyang pagkatao sa CR. Naiwan ang kanyang puso dahil sa mga narinig.

Tila isang paligsahan ang pakikipagtitigan ni Ces sa riles ng tren.

Hindi pa rin mawala sa isip niya ang narinig kanina sa school, sa cubicle: ang pag-ungol ng babae, ang tawa at ang malalanding salita, ang school ID ng lalaking 'boyfriend' niya na nahulog sa lapag. Hindi siya makapaniwala. . . para bang nawawala na siya sa ulirat.

Nang dumating ang tren, hindi pa nakakahinto ay nakaramdam na ng pagkakatulak si Ces sa kanyang likod. Ayaw man niyang gumalaw ay kusa siyang nagagalaw dahil sa mga babaeng sabik makapasok sa tren.

Pagbukas ng pintuan ng tren, halos mag-unahan ang mga kababaihan sa pagpasok at natutulak na palayo si Ces sa pintuan.

“May bababa!”

“Ano ba, magpadaan nga kayo!”

“Miss kung hindi ka papasok sa loob, huwag ka sa unahan!”

Rinding-rindi na si Ces sa mga sigawan na naririnig. Hindi na siya nakapasok ng tren para makauwi dahil sa pagtulak sa kanya ng mga babae. Muntikan pa siyang maipit ng tren kung hindi lang nagsisisigaw ang mga babae para magbukas ulit ang pintuan.

Pag-alis ng tren, napabuntong-hininga si Ces.

Ang lupit ng mundo. . . Lahat ng inaakala niyang ikinaganda nito, para bang isang kahibangan.

Nakatayo pa rin siya ngayon at nasa unahan na ng pila. Hindi siya nakapasok kaya kailangan pa niyang maghintay ng panibagong tren na darating. Then again, she stared at the railroad right in front of her. Ang mga bakal na pinagdikit-dikit para maging daanan ng tren ay binabalot ng mga kalawang, maintained ngunit puwedeng masira dahil sa mga kalawang.

Kung tutuusin, parang tao ang isang bakal: maintained, inaayos—pero kung unti-unting babalutin ng kalawang ang isang bakal, masisira ito. Tulad ng tao, kahit ano’ng linis at ayos pa rin ng isang tao, kung babalutin siya ng kalungkutan. . . kasamaan. . . ay maaaring ikasira niya ito.

Nakatitig lang si Ces sa riles. Hindi niya pinapansin ang mga boses ng mga babaeng nagsasalita. Nanlabo sa pandinig niya ang lahat at ang naririnig na lamang niya ang mabagal na pagtibok ng kanyang puso.

That Twisted Love StoryWhere stories live. Discover now