19 // Three words, four syllables

193K 3.3K 1.9K
                                    

"Like a compass needle that points north, a man's accusing finger always finds a woman. Always."
— Khaled Hosseini

~ ~ ~

Napatitig ang lahat sa kamay ng itinuturing nilang prinsipe ng kanilang school na si The Lyle Yuzon. . . na hawak ang kamay ng isang babae na hanggang ngayon ay ipinagtataka nila kung bakit hawak pa rin niya. Ano na naman ba ang nangyari?

Nabasa na ng lahat ng stalker ng website ni Lyle na single and available ang prinsipe, pero ano itong lokohang ito? Maraming nagtaka, nagulantang at na-badtrip. . . Akala ng karamihan ng babae ay brineyk na ni Lyle si Ces dahil sa mga nakaraang linggo na hindi nila pagsasama. Hindi sila nagpapansinan noong nakaraan pero, bakit halos one week na silang hindi mapaghiwalay?

Ito ang dahilan kaya humupa ang mga haters ni Ces noon. . . pero nagliyab na muli ang pagkatao ng mga kababaihan sa school nang makita na naman nila si Ces na kasama ang Lyle nila. Ang sasama ng tingin, matatalas na parang kaunti na lang ay hihiwa na ito sa katawan ng dalaga. Ngunit hindi naman iyon pinansin ni Ces. All she knew was she’s happy—so happy. . .kahit pakiramdam niya ay may mali.

“Princess, kita na lang tayo mamayang lunch?” Hinalikan ni Lyle si Ces sa mga labi at nagsimula nang maglakad. Napansin naman ni Ces ang mga tingin ng mga babae sa boyfriend niyang naglalakad nang diretso sa hallway.

Nakaramdam siya ng pagkaasar. Kung puwede lang bulagin ang mga babaeng iyon ay ginawa na niya.

It’s been a week since the train station incident and fortunately. . . or unfortunately, they got back together—teka, nag-break ba sila? All Ces knew was nagpahinga lang ang relasyon nila pero hindi sila nag-break. No, they didn’t break up—never. Sino naman kasing nagsabi na naghiwalay sila?

Lahat ng nakita at narinig ni Ces noong nakaraan—nawala na parang bula sa kanyang isip. Para saan pa kung iisipin niya na may ibang kahalikan ang boyfriend niya e nakaraan na 'yun. Ang importante ay hawak niya kani-kanina lang ang kamay ng boyfriend niya.

Boyfriend niya. . . ang Lyle niya.

Isa ito sa dahilan kung bakit bumalik si Ces sa kanilang school—oo nga't sinabi ni Miss Caras na puwede siyang pumasok this semester pero nawalan na siya ng gana noong nakaraang linggo. Kung hindi lang niya nakita muli si Lyle, kung hindi lang siya sinundan ni Lyle sa istasyon pauwi, kung hindi lang sila nakapag-usap, kung hindi lang nag-sorry si Lyle sa kanya at in-explain kung bakit lumalayo ang binata, ay hindi na talaga siya papasok sa school na ito.

Naniwala naman si Ces sa paliwanag ni Lyle na nais lamang protektahan ng binata ang image ng nobya. . . . which was really weird that she fell for his words that easily. Para bang kahit anong sabihin ng binata ay paniniwalaan agad ni Ces. Nakakaloko.  Pero masisisi pa ba si Lyle kung ang binata na rin ang naging dahilan para ganahan ulit mag-aral si Ces?

“O, Miss Flores, hindi ka ba papasok?” Nakangiting bati ni Mr. Quiano, ang computer class professor, sa dalaga na nakatayo lang sa tabi ng pintuan.

“A, hi, sir,” ngiting bati ng dalaga sa kanyang propesor. Hahawakan na sana niya ang doorknob para makapasok nang hawakan siya ng kanyang professor sa braso.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon