11 // Between the Lines

227K 4.3K 1.1K
                                    

"I say I don't believe in love, but that's not really true - love is just the name of an emotion. It's like on steroids. It's lust with ethics."
— Tammara Webber

 

~ ~ ~

Bago pa siya sumigaw at mag-eskandalo para paalisin ang mga lintang nakakabit sa boyfriend niya. . .ang Lyle niya, ay nagulat na lamang ang lahat dahil imbis na si Ces ang sumigaw—si Lyle ang gumawa nito.

“Teka lang!” Napatigil ang mga babaeng nakapalibot sa kanya—halos hindi na nga matanaw ni Ces ang boyfriend dahil natutulak siya palayo rito. “I'm here with my girlfriend. Nagde-date kami so. . .”

Unti-unting nabuo ang ngiti sa labi ni Ces. Hindi niya kayang pigilan ang saya at kilig na naramdaman nang nag-make way ang mga babae na pumapagitan sa kanila ng binata at siya’y naglakad papunta sa kanya. Inakbayan naman siya nito habang kitang-kita ang inggit, dismaya at hiwaga sa mga mukha ng babaeng nandoon.

“Please excuse us.” Naramdaman ni Ces ang mahigpit na pagkakahawak ni Lyle sa balikat niya at nagsimula na silang maglakad. Paglingon ni Ces sa kumpol ng mga babae, nakatingin lang sila sa kanila—para bang natulala.

Kahit siya mismo. . . natulala sa inakto at sinabi ni Lyle. Bakit ba ang suwerte ko kay Lyle?

“Sorry doon, ha?” Tumingin si Ces kay Lyle. Magkalapit sila dahil nakaakbay pa rin ang binata sa kanya at wala pang kung anu-ano, hinalikan ni Ces si Lyle sa mga labi—a quick yet very sweet kiss na nagbigay ng ngiti sa mga labi ng binata. “Para saan 'yun?”

“Ewan ko rin.” Lalong lumaki ang ngiti ni Ces.

“I lo—” Nag-panic ang buong sistema ni Ces at bigla na lang siyang sumigaw na ikinagulat ng mga taong malapit sa kanila lalo na ng kasama—he was about to say something when she cut him off. Maraming mata ang nakatingin sa kanila na nagtataka.

“Ano—ang cute nung ano, ‘yung minion!” Binilisan ni Ces ang paglalakad papunta sa cute na Minion. Ang laki ng Istawa na iyon pero sobrang cute kaya pinagkakaguluhan ito ng mga bata na kalaunan ay sumama na rin doon si Ces.

Nagtaka naman si Lyle sa inakto ng girlfriend. Nawala ang ngiti ni Ces pagkalapit niya sa minion na nakatingin sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya na para bang kakagaling lang niya sa isang karera kaya ganito kabilis ang tibok nito.

Huwag, Lyle, huwag mong sabihin ‘yun.

* * *

“Ces?” Napapikit si Ces sa narinig na boses na tumawag sa kanya. Hindi niya man gustong lumingon, hindi niya magawang dedmahin dahil pati si Lyle ay lumingon na rin sa pinanggalingan ng boses. Nakangiting lumapit si Erich, ang kaibigan ni Marky na sapilitang naging kaibigan ni Ces, na para bang galak na galak itong makita ang dalaga. “Oh my God, ikaw nga!”

Niyakap ni Erich si Ces nang mahigpit na halos maubo na ito, thinking na baka malaki ang galit nitong si Erich sa kanya kaya siya niyakap nang sobrang higpit para mawalan ng hininga. Pagkalas nila sa yakapan blues, ngiting-ngiti si Erich hanggang sa napansin ni Ces na nagtama ng tingin ang boyfriend niya at ang babaeng nasa harap niya.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon