52 // Postponed Fairy Tale

139K 3.1K 1.7K
                                    

"You can't have it both ways. Love is too powerful to hide for very long. Deny it and suffer the consequences. Acknowledge it and suffer the consequences. Revealing it can either be shameful or it can be liberating. It is for others to decide which it will be."
— Tonya Hurley

~ ~ ~

Dalawang salita lamang.

Sinong mag-aakala na dalawang salita lang ang magpapabago ng ikot ng kanilang emosyon?

Napatitig si Ces, hindi makagalaw. Nararamdaman niya ang pagpiga sa kanyang puso. Tumigil ang oras ng mga sandaling iyon. Nakatitig lamang ang kanilang mga mata sa isa't isa. Mabibigat na paghinga. Walang nagsalita. Walang kumibo. Ilang minuto silang tahimik. Sa bawat tibok ng puso ng dalaga ay nakakaramdam siya ng sakit. Physically? Emotionally? Mentally? Hindi siya sigurado.

Hindi pa nakakatayo si Lyric ay kaagad yumuko si Ces at nagpaalam sa binata. “G-Goodnight.”

Nabigla si Lyric nang bumaba nang hagdan si Ces. Nagmadali ang dalaga upang buksan ang pintuan para makalabas nang mahabol siya ng binata at hinawakan sa braso. Nagkulang ang hangin sa paligid nila—hirap na hirap huminga ang dalaga. Hindi siya lumingon. Pinipilit niyang huwag tumingin kay Lyric dahil natatakot na siya. Sobrang natatakot.

“Ces. . .” mahinahon ang boses ni Lyric ngunit pansin na pansin ang pagbabara ng lalamunan nito. Tila may pumipigil din sa boses ng binata upang makapagsalita.

Nawawala na sa wisyo ang dalaga. Hindi na niya naiintindihan ang malakas na usapan nila Note at Melo na paakyat na ng second floor. Tanging tibok ng puso niya ang bumibingi sa kanyang pagkatao. Huminga nang malalim si Ces at binuksan ang pintuan.

“Teka—”

Hindi na natapos ni Lyric ang sasabihin nang kaagad pumasok si Ces sa sariling kwarto. She even locked the door. Nawala ang ngiti at tawanan ng dalawang gitarista nang tumingin sila kay Lyric. Devastated. Nakatingin sa pintuan ng kwarto ni Ces. Tulala. Sawi.

Pagkasara ng dalaga sa kanyang pintuan, kaagad siyang napadausdos. Nanghihina ang buong pagkatao niya kaya't sinandal niya ang pagod niyang katawan sa pintuan. Pagkaalis sa salamin sa mata ay napapikit siya. Hinawakan ng dalaga ang kanyang pisngi, pinipilit gumising sa isang panaginip—ngunit hindi siya magising-gising. Tila isang magandang panaginip na binabalot ng bangungot ang nangyayari sa kanya. Mabilis ng kanyang paghinga. Kinagat ni Ces ang kanyang hinlalaki—trying to ease the pain. Just to shoo the pain away. Napahawak siya sa kanyang pilat. It didn't hurt. It was just there, planted on her chest just to prove that her life is near its end.

Nanginginig ang kanyang bibig nang yakapin ang sarili. Pagkayuko ay nag-unahan nang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. Ang luha ng sakit na matagal na niyang tinatago. She cried her heart that night. Pinipilit niyang huwag gumawa ng ingay. Pinipilit niyang hindi maapektuhan. She’s supposed to be okay. It was just a confession. But the confession triggered pain in her. That confession gave her heart happiness. . . and death all at the same time. It was painfully sweet. Wala siyang magawa. It was love versus death. Rather, it was love and death, combined.

Ano bang laban niya sa sarili niyang katangahan?

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon